Azalea’s POV"Ma... Tito Wade... pumasok na po ako sa taas," mahina kong paalam habang nakahawag nang mahigpit sa hamba ng pinto. "Medyo umiikot na po kasi ang ulo ko sa nainom kong alak, kaya magpapahinga na rin po ako.""Sige, anak," maayang sagot ni Mama Amie habang patuloy sa pag-aasikaso ng mga natitirang bisita sa aming bakuran. "Magpahinga ka na nang maayos sa itaas at ipagluluto kita ng mainit na sabaw bukas nang umaga para mawala ang hang-over mo.""Salamat po, Ma," mahina kong tugon bago dahan-dahan na tumalikod.Mabigat at tila napakalayo ng bawat hakbang ko paitaas sa ikalawang palapag ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto, agad kong isinara ang pinto at isinandal ang aking likod dito. Napapikit ako nang mariin habang pinalalalim ang aking paghinga. Ang amoy ng gabi sa probinsya, ang epekto ng alak sa aking sistema, at ang dahan-dahan na pagf-fade out ng ingay ng fiesta mula sa labas ay mas lalong nagpadama sa akin ng matinding pangungulila.Caleb...Napaha
آخر تحديث : 2026-09-21 اقرأ المزيد