Pagkatapos ng isang oras na pagbabasa, pinaharap niya ako sa tapat ng laptop.“Basic computer navigation,” paliwanag ni Liane. “This is a mouse. This is the trackpad. This is the keyboard. Victor mentioned that you’ve seen computers before but never really operated one directly.”“Opo,” tapat kong sagot.Sa probinsya kasi, nakikita ko lang iyon sa mga maliliit na computer shop. Texting, Facebook, o panonood lang. Wala akong kaalam-alam kung ano ang email, kung paano gumawa ng files, o kung ano ang ibig sabihin ng ‘save as.’Nang simulan niya akong turuan kung paano magbukas ng isang simpleng folder, parang isang pambihirang magic sa mga mata ko.“Kapag nag-save ka ng file,” sabi niya sa akin, “it’s like… you’re safely keeping a concrete part of your hard work and effort. Hindi siya basta-basta mawawala o mabubura.”Napatingin ako sa nagniningning na screen.Parang gusto kong sabihin sa kanya nang pabulong: Sana ganoon din sa mga tao. Sana kapag nagbuhos ka ng buong effort at pagmamaha
Last Updated : 2026-10-17 Read more