Nang makaalis si Hansell patungong airport, nanatili kami ni Lilienne sa loob ng shop para asikasuhin ang mga natitirang gawain. Ginugol namin ang buong umaga at tanghali sa pag-aayos ng mga resibo, pag-audit ng mga loose gemstones, at pagdidisenyo ng mga bagong alahas.Subalit nang sumapit ang alas-kwatro ng hapon, napansin kong napapahawak si Lilienne sa kanyang noo habang nakatitig sa laptop."Che, magpapasama muna ako sa driver ko na umuwi," medyo paos na wika ni Lilienne. Namumutla ang kanyang mukha. "Biglang sumakit ang ulo ko, pakiramdam ko magkakalagnat pa ata ako.""Naku, sige na, Lilienne, umuwi ka na para makapagpahinga," alala kong sagot. "Ako na ang bahala rito. Ako na ang magsasara ng shop mamayang gabi.""Salamat talaga, Che. Iwan ko na sa 'yo ang susi," ngiti niya bago dahan-dahang lumabas ng boutique.Nang mag-alasais na ng gabi, isa-isa nang nagpaalam ang mga sales associates at staff. Ako na lang ang naiwan sa loob. Dahan-dahan kong inayos ang mga display case, pin
Last Updated : 2026-08-12 Read more