"Ayoko talaga, Lilienne... nahihiya ako..." mahina kong pakiusap habang patuloy kong iniaayos ang mga loose gemstones sa glass display counter ng shop. "Sina Mayor, ang mga konsehal, at ang matataas na tao sa lipunan ang bisita ninyo. Isa lang naman akong designer mo. Nakakahiya kung makikipaghalubilo pa ako sa kanila." "Nonsense, Che!" mabilis na apela ni Lilienne, pinalakpak pa ang dalawang kamay habang nakatayo sa harap ko. "Ikaw ang lead designer ng Luxe & Co.! Tagumpay din ng buong team ang bawat piraso ng alahas na ididisenyo mo. Tsaka housewarming party din 'to ng beachfront estate ni Hansell sa San Remigio! Malapit lang 'yon sa inyo, 'di ba? I won't take no for an answer, Che Serrano. Please, sumama ka na!" pangungulit pa nito.Napatingin ako sa malaking invitation card, at nandoon pa talaga ang pangalan ko at kung saan ang venue San Remigio.Ilang minutong lakad lang mula sa aming bahay ang sinasabi niyang beachfront property na binili ni Hansell. Isang malaking dinner par
Last Updated : 2026-08-15 Read more