Ang bawat hikbi ni Hansell sa tabi ng hospital bed ay parang mga sugat na muling bumubukas sa puso ko. Nakatitig ako sa kanya habang nakayuko siya sa kamay ng anak ko, pilit na iniiwasan ang aking tingin. Ang lalaking ito—ang lalaking handang ipagpalit ang lahat noong araw, ang lalaking nangarap na maging ama sa anak ko kahit hindi galing sa kanyang sariling dugo—ay muling nawawasak sa harap ko."Hansell..." pabulong at basag kong wika, my hand trembling as I reached out to lightly touch his shoulder. "Umuwi ka muna... Pakiusap."Dahan-dahang inangat ni Hansell ang kanyang mukha. Namumula ang kanyang mga mata, at ang matinding pagod at pait sa kanyang kaanyuan ay hindi maikakaila."Ayaw kitang iwanan dito nang mag-isa, Francesca," paos at nanginginig niyang wika, holding my gaze. "Paano kapag nagka-emergency uli? Paano kapag may kailangan si Francell?""Nandito ang mga nurse, Hansell. Ligtas na ang bata," mahinang paliwanag ko, squeezing my eyes shut to block out the overwhelming pain
最終更新日 : 2026-09-02 続きを読む