Lumipas ang isang buong taon.Isang taon ng tahimik na pagtiis, ng mga pasang unti-unting naghihilom at muling bumubuka, at ng walang katapusang pagpapanggap sa harap ng mundo. Isang taon na rin buhat nang huling beses kong nakita ang mga mata ni Hansell sa hallway ng St. Jude Medical Center.Pero ngayong gabi, hindi ang mga sugat sa katawan ko ang nasa isip ko. Nakatayo ako sa gitna ng dining hall, inaaayos ang mga puting bulaklak sa ibabaw ng mahabang talpakan. Ang buong hapag-kainan ay pinalalamutian ng mga color green at gold, may maliit na two-tire na minimalist cake sa gitna na may nakasulat na: Happy 1st Birthday, Baby Francell!Isang taon na ang anak ko.Napakabilis ng panahon. Ang napakaliit, napakaputla, at halos mamatay-matay na sanggol sa loob ng incubator noong nakaraang taon ay isang napakagwapo, napakalusog, at napakalikot nang toddler ngayon. Ang kanyang balat ay may magandang kulay na, ang kanyang mga tawa ay pumupuno sa bawat sulok ng nursery room, at ang kanyang mga
Last Updated : 2026-08-10 Read more