Share

Chapter 36

Author: Senyorita
last update Petsa ng paglalathala: 2026-08-10 11:58:00

Hindi makagalaw si Alyssa. Nakatayo lamang siya sa gitna ng lumang kapilya, kung saan ang hangin ay tila naging malapot dahil sa kapal ng alikabok at amoy ng lumang kahoy at natutunaw na kandila. Ang bawat hininga niya ay may kasamang lasa ng nakaraan, isang amoy na parang pinaghalong insenso at pagkabulok. Malamig ang temperatura sa loob, isang uri ng ginaw na hindi nanggagaling sa labas kundi tila humuhubog mula sa mismong mga pader na bato.

Nakatitig siya sa kahong nasa ibabaw ng altar. Sa i
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 53

    Hindi agad nakapagsalita si Alyssa. Nakatitig lang siya sa screen ng cellphone ni Damien.DON'T TRUST THE MAN BESIDE YOU. HE WAS THERE WHEN YOU DISAPPEARED.Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang dalawang mensahe. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang tungkol sa pagkawala niya. At higit sa lahat, hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo.Napatingin siya kay Damien. Tahimik itong nakatitig sa cellphone nito. Mahigpit ang pagkakakuyom ng panga at hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito."Damien..."Agad itong tumingin sa kaniya. "Don't."Napakunot ang noo niya. "Hindi mo pa nga alam kung ano ang itatanong ko."Para na naman itong manghuhula eh. Kahit wala pa siyang sinasabi ay alam na agad nito ang tumatakbo sa utak niya. Samantalang siya ay hindi man lang niya mabasa kung ano ang iniisip nito. Tapos siya, litong-lito na siya sa mga nangyayari. Hindi na niya alam kung tama pa ba itong napasukan niya. Parang gusto na lang ni

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 52

    Mabilis ang tibok ng puso ni Alyssa, pero parang nanigas ang buong katawan niya. Hindi siya agad nakagalaw.Nakatitig lamang siya sa laptop screen na ngayo'y puro itim na lamang at nagre-reflect sa sarili niyang takot na mukha. Wala na roon ang mukha ni Elena, pero parang nanatili pa rin sa malamig na silid ang boses nito na umaalingawngaw sa isip niya.Don't let him open the east wing.At ang batang lalaki sa likuran nito sa video.Si Damien. Ang batang Damien na blangko ang ekspresyon.Hindi niya alam kung alin ang mas nakakatakot, ang katotohanang nasa video ang isang babaeng dalawampu't tatlong taon nang patay, o ang katotohanang kasama nito ang lalaking nasa harap niya ngayon.Bata pa ito noon. Sigurado siya, dahil pamilyar sa kaniya ang mga mata nito."That's you."Mahina at nanginginig ang boses niya.Hindi sumagot si Damien. Nakatayo lamang ito sa tabi ng malaking kahoy na mesa. Ang mga mata nito ay nakapako sa itim na screen, parang may pilit na inaalala mula sa isang panahon

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 51

    Parang umurong ang dila ni Alyssa. Wala siyang masabi. Nakatitig lamang siya sa lumang litrato na hawak niya habang paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya ang mga sinabi ni Damien.That woman is my aunt.At ang mas nagpapabilis sa tibok ng puso niya—Matagal na siyang patay.Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Damien. Gusto niyang makita sa mga mata nito na baka nagbibiro lang ito, pero seryoso ang binata."Sigurado ka?"Mabagal at mabigat ang naging pagtango nito."Yes.""How?"Hindi ito agad nakasagot. Sa halip na magsalita, maingat nitong kinuha ang litrato mula sa panginginig niyang mga kamay at ibinaba ito sa ibabaw ng makinis na mesa."Her name was Elena Montenegro."Pinagmasdan ulit ni Alyssa ang babae sa litrato.Elena.Hindi niya alam kung bakit, pero nang marinig niya ang pangalan nito, may kakaibang kirot na tumusok sa kaniyang ulo. Parang may isang nakasarang pinto sa kaniyang alaala na pilit binubuksan mula sa loob."Kapatid siya ng mama mo? Tama ba?" tanong niya,

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 50

    Hindi maialis ni Alyssa ang tingin sa maliit at lumang cassette tape na hawak ngayon ni Damien. Sa sobrang tahimik ng malaking library, tanging ang mabibigat nilang paghinga lang ang naririnig. Amoy na amoy niya ang alikabok at mga lumang pahina ng libro sa paligid.Nakasulat sa ibabaw ng tape ang dalawang salita gamit ang kupas na itim na ink.FOR DAMIEN.Dalawang salita lang, pero sapat na para biglang bumigat ang hangin sa loob ng kwarto.Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Alyssa nang mapansin niya ang isa pang maliit na mensahe sa ilalim nito.PLAY IT ALONE.Dahan-dahan siyang napatingin kay Damien.Gaya ng dati, mahirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isip ng lalaki. Pero sa higpit ng pagkakasara ng panga nito at sa pagkakakunot ng noo habang nakatitig sa tape, halatang tinamaan ito sa nabasa."Damien?" mahinang tawag niya.Hindi ito sumagot. Walang kahit anong reaksyon."Ano'ng gagawin mo?"Dahan-dahan at maingat na ibinaba ni Damien ang cassette sa ibabaw ng makapal na k

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 49

    Parang napako sa kinatatayuan si Alyssa. Hindi niya magawang bitawan ang maliit na papel na hawak niya. Nakatitig lang siya sa iisang linyang nakasulat doon, mga salitang parang unti-unting sumasakal sa kaniya.You were never supposed to remember.Parang may nagbuhos ng yelo sa buong katawan niya. Naramdaman niya ang mabilis na paglamig ng kaniyang mga kamay hanggang sa unti-unti na ring nanginig ang kaniyang mga daliri.Hindi niya alam kung ano ang mas nakakapanghina, ang mismong laman ng mensahe, o ang nakakatakot na katotohanan na may ibang taong nakakaalam na unti-unti nang bumabalik ang mga alaala niya. May nagmamanman sa kaniya."Alyssa."Narinig niya ang boses ni Damien. Mababa iyon, pero sapat para mabalik siya sa wisyo. Hindi siya agad nakasagot at muli lang binasa ang papel.You were never supposed to remember."Someone knows," mahina niyang sabi, halos pabulong na dahil sa kaba. "May ibang nakakaalam na nakakaaalala na ko."Lumapit si Damien. Maingat pero mabilis nitong kin

  • Island of Desire with my Billionaire   Chapter 48

    Hindi agad nakapagsalita si Alyssa. Nakatitig lang siya sa monitor kung saan ilang segundo pang nag-freeze ang huling kuha bago tuluyang nagdilim ang buong screen.Manatiling malinaw sa isip niya ang bawat detalye: Isang taong nakaitim, isang silver na susi, at isang singsing na may eksaktong simbolo ng Isla Verde.Mas lalong pinalakas niyon ang kaba sa dibdib niya. Mas nakakatakot ang maliliit na detalyeng iyon sa kamay ng isang estranghero kaysa sa mismong pagpasok nito sa east wing."Can you bring the frame back?" mahinang tanong niya, habang nararamdaman ang malamig na pawis sa kaniyang mga palad.Mabilis na pumindot si Chief Ramos sa keyboard. "Trying, ma'am."Sa sobrang tensyon, hindi namalayan ni Alyssa na nakalapit na pala siya nang husto kay Damien. "Mayroon bang ganitong singsing ang lahat ng members dito?"Hindi agad sumagot si Damien. Nakatitig lang din ito sa madilim na monitor, matigas ang mukha. "Not everyone. Senior members lang at ilang pamilya na matagal nang nakakab

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status