Limang araw ang lumipas.Limang araw ng tahimik na paghihintay.Limang araw ng pilit na ngiti sa harap ni Mommy at Tita Mara.Limang araw ng takot na nakatago sa likod ng mga mata ng tatlong bata.Sa bahay, sina Rian, Raine, at Rio ay mas tahimik pa kaysa dati. Walang kwentuhan tungkol sa school. Walang tawanan. Walang normal na ingay. Si Mara ay paulit-ulit na napapansin ang kakaibang aura. Si Venice naman ay lalong kinakabahan tuwing gabi, pero wala siyang pruweba. Wala siyang alam na may DNA test nang naka-book. Wala siyang alam na ang buhok ng ama ng mga anak niya ay nasa laboratoryo, hinihintay ang resulta.Sa school, tuwing break, nagtitipon ang tatlo sa pinakadulong bahagi ng library. Walang ibang ginagawa kundi maghintay. At matakot.“Kailan kaya?” tanong ni Raine isang hapon, boses ay pabulong at nanginginig. “Kuya… kailan darating?”Si Rian ay nakatingin sa notebook, pero wala siyang nababasa. “Sabi nila 5-7 working days. Ngayon… ika-lima. Baka bukas. O sakto ngayon.”Si Rio
Last Updated : 2026-09-23 Read more