Namumuhay bilang mga batang walang ibang kailangang alalahanin kundi ang kanilang mga assignment at mga pangarap.Hindi niya alam na sa araw na iyon, tatlong batang pitong taong gulang ang gumawa ng desisyong maaaring magbukas sa isang pinto na matagal niyang isinara.Maagang umalis sina Rian, Raine, at Rio.Naka-school uniform pa rin sila. May kanya-kanyang maliit na bag, notebook, tubig, at isang tablet na mahigpit na hawak ni Rio.Ngunit higit sa lahat, dala nila ang isang lihim na hindi nila maaaring ipaalam kaninuman.99.998%.Ang resulta ng DNA test.Ang sagot sa tanong na ilang araw nilang iniiwasang itanong nang malakas.Ang lalaking nasa litrato.Ang CEO ng Rodrique Group.Ang lalaking hindi nila kailanman nakasama bilang ama.Si Romer Rodrique.Ang kanilang Daddy.Magkakatabi silang naglakad patungo sa Rodrique Tower.Tahimik si Raine. Paminsan-minsan ay sumisilip siya sa paligid, na para bang anumang sandali ay maaaring lumitaw si Venice at tawagin ang kanilang mga pangalan
Last Updated : 2026-09-30 Read more