“Guys.”Isang salita lang. Mahina. Pero sapat para mapalingon sina Raine at Rio.“Ano?” sabay nilang tanong, parang natatakot na sa susunod niyang sasabihin.Rian ay huminga nang malalim. Ang notebook sa kanyang kandungan ay bukas pa rin, ang pangalan na matagal na niyang sinusulat ay tila naninindigan sa harap nila.“Hindi natin kailangang hanapin si Romer sa internet lang,” mahina pero matatag niyang sabi. “Kailangan nating pumunta kung nasaan siya.”Napatigil sila. Parang biglang nawala ang hangin sa maliit na kwarto.“Where?” bulong ni Raine.Tumingin si Rian sa notebook. Sa pangalan na tila sinasakal na ang dibdib niya sa tuwing nakikita niya ito.“Sa company ni Mommy. Sa Rodrique Corporation… o yung NovaHealth. Doon siya nagtatrabaho. Doon din si Romer Rodrique.”Si Rio ang unang nagsalita, boses niya’y may halong kaba at pananalig. “Pero bakit? Paano ‘yan pag malaman ni Mommy?”“Oo nga, Rian,” dagdag ni Raine. Ang mga mata niya’y malalaki, parang batang natatakot na mawala ang
Last Updated : 2026-09-11 Read more