Napatingin si Raine sa kapatid.“Hindi ko sinabing iyon lang ang dahilan.”“Pero iyon ang dahilan kung bakit mo tatlong beses tinanong si Mommy tungkol sa DNA ngayong linggo.”“Rian,” saway ni Venice.Ibinalik ng panganay ang tingin sa libro.“I'm just stating a pattern.”Napailing si Venice, ngunit hindi niya napigilang mapangiti nang bahagya.“Mga anak, kung may gusto kayong itanong sa akin tungkol sa daddy ninyo, sabihin ninyo nang direkta. Hindi ninyo kailangang maghanap ng ibang paraan para malaman kung ano ang gusto ninyong malaman.”Natahimik ang magkapatid.Si Rio, na tahimik na gumuguhit sa tabi ng bintana, ay dahan-dahang isinara ang sketchbook.“Mommy, kung sakaling gusto naming malaman kung siya talaga ang daddy namin, magagalit ka po ba?”Nawala ang bahagyang ngiti ni Venice.Lumapit siya sa bunso at lumuhod sa harap nito.“Hindi, anak.”“Talaga po?”“Oo. Hindi ako magagalit dahil gusto ninyong malaman ang katotohanan.”“Pero baka malungkot ka.”Napahawak si Venice sa kam
Last Updated : 2026-10-23 Read more