PAGKATAPOS ng meeting, nagkasundo sila Chloe, Trexie at Jacob na sa isang coffee shop mag-usap. At padating nila sa nasabing coffee shop, umorder muna sila ng maiinom bago pumwesto sa pinaka sulok na bahagi para makapag-usap ng masinsinan. "So, ibig sabihin, buhay talaga si Chloe? Hindi siya totoong patay?" muling tanong ni Jacob "Tsk, paulit-ulit? Eh kung talagang wala na si Chloe, eh sino itong nasa harapan mo?" sarkastikong sagot ni Trexie sa lalaki Hindi naman mapigilan na mapangiwi ni Chloe. Ilang saglit lang, mabilis siyang tumayo para magpaalam na magbanyo na muna "Kayo na muna ang bahala diyan. Usap lang kayo, gagamit lang ako ng banyo." wika niya at hindi na hinintay pa ang maging sagot ng mga kaharap at tuluyan na siyang naglakad paalis Nang sila Trexie at Jacob na lang ang naiwan sa mesa, mas naging seryoso ang atmospera. Si Jacob ay biglang napaseryoso habang si Trexie naman ay halata ang pagkayamot sa mukha niya "So, siguro naman, tutupad ka sa sinabi mo kay C
最後更新 : 2026-08-24 閱讀更多