CHLOE POV THREE YEARS LATER. "HAPPY BIRTHDAY, CHLOE!" mula sa pagkakasubsob sa harap ng computer, wala sa sariling napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang sunod-sunod na pagbati na iyun. Sa may pintuan ng library kung saan ako naroroon, nakita ko ang mga bisitang wala man lang pasabi na dadating pala Sila Doctor Francis Arroyo, Trexie at ang asawa nitong si Mark na ngayun ay karga na nito ang mahigit dalawang taon nilang anak na lalaki. "Ahhyyy grabe, may mga bisita pala ako? Tsaka, teka lang, birthday ko ba?" natatawa kong wika. Sa loob ng tatlong taon, naging abala ang buhay ko sa karera na pinili ko. Kasalukuyan akong nagsusulat ng mga english love story sa isang online platform at doon ko ibinuhos ang buo kong oras. Simple lang naman ang buhay...kumikita ako...nagsuusulat, natutulog, kumakain at kapag nasa mood, lumalabas paminsan-minsan para magshopping At sa nakalipas na tatlong taon, masasabi kong okay na ako. Ang sakit kong muntik nang kumitil sa buhay ko
Huling Na-update : 2026-08-17 Magbasa pa