CHLOE POV PAGDATING ng guest room na naging silid ko na sa loob ng dalawang taon, para akong nauupos na kandila na napaupo sa kama. Ang sakit kong ito ay napaka traidor. Kaunting galaw...kaunting pagkikilos, at ramdam ko na kaagad ang pagkapagod. Malungkot akong napangiti. Kung pwede nga lang sumuko na ako, ginawa ko na sana. Sa totoo lang, pagod na talaga akong mabuhay. Pagod na akong huminga at higit sa lahat, pagod na ako sa sakit Walang kahit na anong reaction sa mukha na hinayaan ko ang katawan ko na mahiga sa kama. At nang tuluyan na akong makahiga, kaagad ko na ding ipinikit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog or sadyang nakatulog ba ako dahil nagising na lang ako nang may maramdaman ako na may kung sino na humipo sa pisngi ko. Nang idilat ko ang aking mga mata, kaagad na sumalubong sa paningin ko si Jerome. "Pasensya ka na kung naisturbo ko ang pagtulog mo. Kaya lang, anong oras na, kailangan mo nang kumain para makainom ka din ng gamo
Last Updated : 2026-08-11 Read more