“Hey! Ang daya mo! Hindi naman kasali ang ganito. White nga, ’di ba? Hindi naman ’to white. Brown ’to na may kaunting white,” ani Anyah sa kaniya habang nagpaparamihan sila ng shells na pinulot nila sa tabing-dagat. Katatapos lang ng pagawa sa ipinatatayong resort ng mga ito kaya’t naisipan muna nilang tumambay sa may dalampasigan— hanggang sa hamunin nga siya ni Anyah. Ang mananalo, siya raw taya sa lunch nila bukas. Wala kasi itong pasok dahil summer break na. “Hindi naman, ah. Majority pa rin ang white, oh. Tingnan mo kayang mabuti,” sabi niya na ang buong atensyon ay nasa binibilang nilang mga kabibe. “Hindi kaya! Brown ’yan,” giit nito. “Hmmp! Ang daya mo. Porke’t kakaunti ang panguha mo ayaw mong lumaban nang patas.” “I am fair, okay? Ikaw itong malabo ang katwiran. Kasi, kung ano ang rules natin, iyon lang dapat.”
Last Updated : 2026-08-03 Read more