تسجيل الدخولPagkarating namin ay nandoon na ang Mommy at Daddy ni Leandro pati na rin ang Chairman. Seryuso ang pinaguusapan nila nang dumating kami.
"Andyan na pala sila. Maupo kayo." Nginitian ako ni Tita Valencia at niyayang maupo sa tabi nya. "Good to see you again, Chairman," sabi ko at yumuko ng kaunti. Si Chairman Hong DeGuzman ang pinakarespitadong tao sa pamilya nila. Sya kasi ang nakatuka sa pamilya. Kinakatakutan sya ng marami pati na rin ng pamilya nya kaya gano'n na lang rin ang respeto ko para sa kanya. "Good to see you too, Zeana or should i say Mrs. Zeana Bueanvista DeGuzman?" Tumawa ito nang mahina kaya napangiti ako. Minsan lang itong gano'n kaya natutuwa ako. "Welcome to the family, Hija." "Thank you po." Pagkatapos ay lumingin ito sa gawi ni Leandro. Nang magtama ang panigin nila ay kaagad na nagbago ang modo nito. Hindi na kasi lihim sa amin na hindi sila magkasundo ni Leandro. "Sa wakas at may nagawa ka na ring tama, Leandro. This is the first and only time you made a right choice and that is marrying the only daughter of Buenavista Clan." Napansin kong tahimik lang si Leandro. Hindi naman kasi bago itong paguusap sa kanila. Alam naman naming lahat na hindi sya ang paborito ni Chairman kaya rin seguro pumayag sya sa kasalang ito to gain his trust and everything na hindi nya nakukuha noonsa sariling lolo. Pinag-usapan namin ang buhay mag-asawa namin kuno. May mga paalala at bilin sila sa amin na hindi ko naman halos pinakikinggan. What for? Eh wala ngang gusto sa kasal na ito eh. "Tomorrow you will be moving to your new house. Gamit na lang ang kulang doon at gusto namin na kayo mismo ang mamili ng mga ito. Take it as your bonding bilang mag-asawa," Mahabang lintanya ni Mommy na malaki ang ngiti sa mga labi. Ghad! Planado na talaga lahat. Napalingon ako kay Leandro na halatang hindi nakikinig dahil may kinukulikot ito sa cellphone nya. May ka-chat yata. Kung titingnan naman ay hindi mahahalatang bakla ito eh. Kung umupo kasi lalakeng-lalake at tuwid talaga. Kung magsalita ay malalim at mapang-akit ang boses at talaga namang biniyayaan ng gwapong mukha. Sayang talaga. "And we want you to give us a grandchild at least a month or two." Sabay kaming napalingon ni Leandro. "What?!" "Ha?!" Takte naman! Wala sa usapan 'yong apo! Ayuko pang magkaanak! Hindi pa ako ready! Marami pa akong pangarap sa buhay kesa ang magbantay ng bata. Ayuko! Ayuko! Hindi ako papayag! Gusto ko sanang iprotesta ang lahat ng nasa utak ko pero natameme ako at hindi nakapag-salita. Isang araw pa nga ang dumaan at ngayon ay nakatayo na kami sa labas ng bahay NAMIN. OO NAMIN! Ito 'yong sinasabi nina Mommy na magiging bahay namin ni Leandro. Kapit-bahay pa talaga namin ang pinsan kong si Chloe na may asawa na rin at last year lang sila ikinasal ng anak ng business partner ng parents nya. "Good luck with your new life as husband and wife. Remember to always love each other ok? Kung may kailangan kayo ay andito lang kami." Tumango na lang ako at pilit na ngumiti. Nagbeso na ako at nagpaalam na silang umalis. Hinintay muna namin silang mawala sa paningin namin bago bumalik kami sa dati. Bit-bit ko ang malaking maleta na may mga dammit ko at inunahan si Leandro sa paglalakad. "Tabi!" Sinunggo ko ito at nauna nang pumas ng pintuan. "Wow..so, malaki naman pala itong bahay. Good para naman hindi ko makita 'yang pagmumukha mo," sabi ko habang inililibot ang tingin sa paligid. "That's supposed to be my line, bitch!" "Mama mo!" Nauna rin akong umakyat ng hagdan pero nagtaka ako dahil iisang kwarto lang ang nandoon. Pagpasok ko ay iisang kama lang rin. "What the?" Pumasok na rin si Leandro at akmang uupo sa kama pero inunahan ko sya at tinulak. "What is wrong with you?!" Inis nyang tanong. "Sa akin 'yong kama," sagot ko naman. "And where am i going to sleep then?" "Ay sus tinatanong pa ba yan? Malapad 'yong sahig oh." "What? No! Hindi ako matutulog sa sahig. Alis dyan!" Nagulat ako dahil bigla nya akong hinila at dahil triple ang laki ng katawan nya sa akin ay kaagad akong nahulog sa sahig. "Kakasuhan kita! Nananakit ka ng babae!" Inis kong sigaw at mabilis na tumayo. Hinila ko ang kumot na hawak nya pero hinila nya ito pabalik. "Ano ba bitawan mo nga!" Inis kong ani pero hindi ito nagpapatalo. "No! Ikaw ang bumitaw! My body is bigger than yours so i need a lot of space!" sagot naman nya. "Space pala ang hanap mo edi sa sahig ka!" "What is wrong with you?!" "Ayukong tumabi sa'yo! Bitaw sabi!" Hinila ko pa ito ng buong lakas hanggang sa marinig na lang namin ang malakas na tunog ng pagkapunit ng tela. Mabilis ko iyong binitawan. "Sige sa'yo na 'yan," sabi ko at kinuha ang unan. "Sa sofa na lang ako matutulog." Iyon ang huling sinabi ko at umalis na. Demeritso ako sa baba kung saan may nakita ako kaninang malapad na sofa. "Kainis! Ang damot! Lamukin ka sana!" Inis kong sabi na hangin ang kausap. Dumating ang gabi at parang unti-unti ko ng pinagsisisihan na nagpaubaya ako ng kama dahil sobrang lamig dito sa sofa. Nakapatay naman ang aircon pero ang lamig pa rin. Kinuha ko ang unan at tumayo. Bahala na basta sa kama ako matutulog dahil baka manigas ako dito. Pumasok ako ng kwarto pero wala si Leandro doon. Narinig kong bukas ang shower kaya alam kong naliligo ito. Dahan-dahan akong nahiga sa kama at piniwesto ang sarili ko hanggang maging komportable. Maya-maya pa ay lumabas na ito na bihis na ng pantulog. Terno ito na hello kitty at may hello kitty pa na tuwalya sa buhok na para bang mahaba ang buhok nya. Dinaig pa ang outfit kong plain black lang na pantulog. "At anong ginagawa mo ditong hudas ka sa kwarto ko?" Maarte nyang tanong na pinamewangan pa ako. "Ang ganda ko namang hudas," sagot ko naman kaya napa-ikot ito ng mata. "Excuse me lang noh? Kwarto ko rin 'to kaya may karapatan akong matulog dito tsaka ang lamig sa labas baka manigas ako do'n." "Ay sana nga noh?" Sarkastiko nyang sagot. "Kung mamamatay ako edi mabubyudo ka ng maaga? Ano na lang ang magiging image mo nyan? Kawawa ka naman." "Tsk. Tabi nga." Itinulak nya ako ng bahagya at umupo sa kama. May mga beauty products itong nilalagay sa mukha nya. "Ang arte-arte mo noh?" Komento ko habang pinanonood sya. "Ang pake-alamera mo noh?" Sungit na sagot naman nya.Gusto ko na lang sanang bumili ng pagkain dahil hindi talaga ako marunong magluto pero wala pa pala kaming wifi at wala rin akong load kaya hindi ko ma-open ang delivery app.Kaya ngayon ay wala akong choice kundi ang mag-try na magluto ng kung anong makita ko sa ref. May laman naman iyon pero sinapat lang nina Mommy para sa Friday dahil gusto nilang kami na ang mag-grocery.May nakita akong itlog, mga frozen food, petchay at karne. Kinuha ko ang karne at petchay. I don't know what to cook using these ingredients. Ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula.Dapat talaga ay nagpaturo na akong magluto kay Mommy noon o sa mga katulong namin. Hayst."So, what do I do first?"Gusto kong mag-research sa YouTube ng mga tutorial kung paano ito lutuin pero wala akong load kaya nakaka-inis. Bahala na. Wala akong pake-alam kung hindi magustuhan ni Leandro.Wala syang choice noh. Kasalanan nya yan at magpakasal sya sa isang katulad kong never humawak ng mga gamit sa kusina.Niluto ko muna ang
Hindi ko alam na nakatulog pala ako at nagising na lang dahil bigla akong tinulak ni Leandro sa kama. "Ano ba?! Pwede mo naman akong gisingin ng maayos ah?!" Inis kong sambit at inaantok pang tumayo mula sa pagkakahulog. "Ang likot mo matulog. Yang paa mo nasa bibig ko na! Kadiri kang bruha ka!"Inamoy ko naman ang paa ko. "Hindi naman mabaho ah! Arte nito."Tumayo na ako ng tuluyan at inayos ang gamit ko sa cabinet. Nang buksan ko ito ay puno na ng gamit ni Leandro kahit na malaki naman ang cabinet. "Hoy bakla, ayusin mo nga 'tong gamit mo. Wala na akong space na panlagyan ng mga damit ko!" Reklamo ko pa. "Nauna ako kaya ikaw ang mag-adjust," sagot naman nya habang inaayos ang kama namin. "Ah gano'n ah." Dali-dali kong kinuha ang mga damit nyang naka-hanger at inilagay ang sa akin. Ibinato ko sa kama ang mga damit nya."The hell?!" Inis itong bumalik ng tingin sa direksyon ko. "Sorry. My hand slipped," sabi ko sa mapang-asar na tono. Inis nya namang inayos ang mga nakakalat nyang dam
Hindi ko alam kung naninibago lang ba ako sa bahay o hindi lang talaga ako sanay na may katabi dahil kanina ko pa pinipilit na matulog pero gising na gising talaga ang diwa ko. Lahat na nga ng posisyon ay nagawa ko na. "Isa mo pang likot, sisipain kitang bruha ka," Inis na bulong ni Leandro. Hindi ko naman maitatangging malikot talaga ako pero anong magagawa ko eh hindi nga ako makatulog. "Hindi ako makatulog," sabi ko. "Walang nagtatanong," sagot naman nya. Ang maldita talaga ng baklang 'to. "Sinasabi ko lang naman."Ilang minuto pang tumahimik ang paligid pero gano'n pa rin ang sitwasyon ko kaya naisipan kong magsalita at magbakasakaling makakwentuhan ko ito kahit saglit lang hanggang sa makatulog ako. "Ano bang gusto mo? Baby boy o baby girl?" tanong ko. Naramdaman kong napalingon ito sa akin. Nakatalikod kasi kami sa isa't isa. "Are you serious? Eh kung sabunutan kaya kita?" aniya naman. "Nagtatanong lang naman eh. Narinig mo naman seguro 'yong sinabi ng parents natin di ba? Saan
Pagkarating namin ay nandoon na ang Mommy at Daddy ni Leandro pati na rin ang Chairman. Seryuso ang pinaguusapan nila nang dumating kami."Andyan na pala sila. Maupo kayo." Nginitian ako ni Tita Valencia at niyayang maupo sa tabi nya."Good to see you again, Chairman," sabi ko at yumuko ng kaunti. Si Chairman Hong DeGuzman ang pinakarespitadong tao sa pamilya nila. Sya kasi ang nakatuka sa pamilya. Kinakatakutan sya ng marami pati na rin ng pamilya nya kaya gano'n na lang rin ang respeto ko para sa kanya."Good to see you too, Zeana or should i say Mrs. Zeana Bueanvista DeGuzman?" Tumawa ito nang mahina kaya napangiti ako. Minsan lang itong gano'n kaya natutuwa ako. "Welcome to the family, Hija.""Thank you po."Pagkatapos ay lumingin ito sa gawi ni Leandro. Nang magtama ang panigin nila ay kaagad na nagbago ang modo nito. Hindi na kasi lihim sa amin na hindi sila magkasundo ni Leandro. "Sa wakas at may nagawa ka na ring tama, Leandro. This is the first and only time you made a right
Masarap ang simoy ng hangin habang naghihintay ako sa pagbukas ng malaking pintuan. Perfect ang music na talagang ikakaiyak mo kapag dahan-dahan ka nang maglalakad palapit sa altar kung saan naghihintay ang taong pinakamamahal mo at pinapangarap mo na makasama habang buhay. Maganda ang desinyo ng simbahan, maaliwalas ang paligid at syempre sobrang ganda ko ngayon. Ako 'yong bride eh. Nang bumukas na ang pintuan ay lahat sila nasa akin na ang atensyon. Feel na feel ko ang pagiging main character ko. Feeling ko ako ang pinakamaganda sa araw na ito. Dahan-dahan na akong naglakad at feel na feel ko pa talaga ang moment. Kasal ko 'to eh, bakit ba?Napapikit pa ako habang ini-imagine ang hitsura ko sa perspective ng groom ko. Seguro naiiyak na sya kasi hindi sya makapaniwalang sobrang ganda at maswerte sya sa papakasalan nya. Pero nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ng soon to be husband ko na parang naasiwa at nasusuka habang nakatingin sa akin.Nagbago rin ang mu







