تسجيل الدخول
Masarap ang simoy ng hangin habang naghihintay ako sa pagbukas ng malaking pintuan. Perfect ang music na talagang ikakaiyak mo kapag dahan-dahan ka nang maglalakad palapit sa altar kung saan naghihintay ang taong pinakamamahal mo at pinapangarap mo na makasama habang buhay. Maganda ang desinyo ng simbahan, maaliwalas ang paligid at syempre sobrang ganda ko ngayon. Ako 'yong bride eh.
Nang bumukas na ang pintuan ay lahat sila nasa akin na ang atensyon. Feel na feel ko ang pagiging main character ko. Feeling ko ako ang pinakamaganda sa araw na ito. Dahan-dahan na akong naglakad at feel na feel ko pa talaga ang moment. Kasal ko 'to eh, bakit ba? Napapikit pa ako habang ini-imagine ang hitsura ko sa perspective ng groom ko. Seguro naiiyak na sya kasi hindi sya makapaniwalang sobrang ganda at maswerte sya sa papakasalan nya. Pero nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ng soon to be husband ko na parang naasiwa at nasusuka habang nakatingin sa akin. Nagbago rin ang mukha ko. Mula sa masaya ay naging mapait na rin ang ekspresyon. Kung ang iba ay masaya at nag-iiyakan pa sa tuwa sa araw ng kasal nila ay ibahin nyo kami. Paano ba naman kasi hindi naman namin ito kagustuhan. In-arranged marriage kami ng mga magulang namin at ngayon ay kami ang magdudusa? Ok lang naman sa akin kung sa ibang lalake pero kay Leandro DeGuzman? Nevermind! Eh mas babae pa sa babae sa akin 'to gumalaw eh. Kung against ako sa kasal na ito mas against sya kasi sabi nya parehong lalake ang hanap namin. Nang makarating na ako sa harapan nya ay tipid na ngiti ang ibinigay ko. Sabay kaming humarap sa pari at nagsimula na nga ang kasalan. "Lalake, tinatanggap mo bang maka-isang dib-dib ang babaeng nasa iyong harapan? Sa kahirapan man o sa kayamanan? Sa pagdurusa man o sa pag-angat? Hanggang sa iyong kamatayan?" Iyon ang tanong ng pari kay Leandro. Tumingin ito sa akin na parang hindi makapagsalita. Para syang nasusuka. Ilang segundo pa at hindi pa rin ito sumasagot kaya nagtaka na ang mga tao. Inapakan ko ang paa nito para bumalik sya sa sarili. Nginitian ko sya habang bumubulong,"Sabihin mong 'I do' kanina pa nila hinihintay ang sagot mo." Kinakausap ko ito sa sobrang hinang tunog kahit na hindi halata dahil sa malawak kong ngiti. "I-I...I do, father." Napalunok pa sya pagkatapos no'n. "Babae, tinatanggap mo bang maka-isang dib-dib ang lalakeng nasa iyong harapan? Sa kahirapan man o sa kayamanan? Sa pagdurusa man o sa pag-angat? Hanggang sa iyong kamatayan?" Ngumiti ako nang malapad sa Pari."I do, father!" "Bueno, sa kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng simbahan, idinideklara kong kayo na ay kasal." Nagpalakpakan pa af naghiyawan ang mga tao nang sabihin na iyon ng pari. "Mr. DeGuzman, pwede mo ng ipagkaloob ang matamis mong halik sa iyong asawa." "'Yon oh! Kiss! Kiss!" "Sakmalin mo na!" "Kiss! Kiss!" Naghiyawan na ang mga tao na pinangunahan ng mga kaibigan ko. Bwesit talaga 'tong mga 'to. Mapang-asar. Alam naman nila ang sitwasyon namin eh. "Kiss daw," bulong ko kay Leandro. "Hindi kita hahalikang burikat ka," inis nya namang sagot. "Dali na para matapos na 'to!" Inis kong sabi. "Mr. DeGuzman?" Tawag pansin na ng Pari. Naiinis na ako sa pagiinarte nya kaya ako na ang gumawa ng paraan. Hinila ko ang barong na suot nya at idinampi ang labi ko sa labi nya. Dahil doon ay naghiyawan silang lahat. Pinatagal ko iyon ng ilang segundo para mukhang totoo. Nang bumitaw ako ay masama na ang tingin ni Leandro sa akin. "Sasabunutan kita." "Ngumiti ka na lang. Nakatingin silang lahat." Pagkatapos ng kasal ay pumunta na kami ng venue. Nasa beach resort iyon na pagmamay-ari ng pamilya ni Leandro. Nagsaya ang lahat, nagsayawan, kantahan, at kung ano-ano pang mga gimik para imaging memorable ang kasal namin. Samu't sari rin ang pagbati at pagtanggap ko ng regalo dahil hindi ko na naman mahagilap ang asawa ko. Baka kung sino-sino na naman ang kasama no'n. Tumuloy hanggang sa mag-umaga ang celebration pero ako lang ang nandoon. Sinabi ko na lang sa mga bisita na masama ang pakiramdam ng asawa ko. Nang makahanap ako ng pagkakataon ay hinanap ko si Leandro. Nakita ko naman itong umiinom sa isang cottage na malayo sa reception. "Oh anong minumukmok mo dyan, Asawa ko?" tanong ko. Hinarap nya ako ng may kunot na noo. "Pwede ba huwag mo akong tawagin na ganyan at baka masuka ako noh!" "Edi 'wag!" "Tsaka huwag ka ngang feel na feel dyan. Parang gustong-gusto mong ikasal tayo ah." Hinarap ko naman ito. "Hoy fyi lang ha? Pangarap ko talagang ikasal pero minalas ako at ikaw pa! Kasi naman kung magpapakasal ako at magpapatali bakit sa isang bakla pa 'di ba?" "Eh bakit hindi ka gumawa ng paraan para hindi 'to matuloy?" "Wala akong choice! Akala mo ba gusto kong maikasal sayo? Yuck!" "Mas ako nag nandidiri sayo!" "Mas super nandidiri ako!" Halos magsigawan kami doon sa inis sa isa't isa. Nakakainis kasi sya, ako na lang ang laging sinisisi. "Nag-aaway ba kayo?" Nanlamig ako nang marinig ang familiar na boses at mabilis na humarap sa harapan namin. Si Mommy ang nandoon at halatang kakarating lang. "Hindi po, Mommy. Naglalambingan lang kami 'diba Hubby?" Pinulupot ko ang kamay ko sa braso nya at hiniga ang ulo ko sa balikat nya. "Yes, Mom. Makulit kasi itong si Zeana eh. Sarap tirisin--este halikan." Kinurot nya ako sa pisngi ng mahina para kunwari ay sweet kami sa harapan ni Mommy. Nginitian ko nang malapad si Leandro at kinurot rin ang pisngi nya. "Mahal na mahal ko kasi itong Hubby ko eh." Pagkasabi ko no'n ay nilakasan ko ang pagkurot kaya nanlaki ang mga mata nya at kaagad na gumanti kaya humapdi rin ang mukha ko. "Ang sweet naman talaga! Naalala ko tuloy ang Daddy mo Zeana. Ganyan na ganyan rin kami noon eh. Hayyy..." Binitawan ko ang mukha ni Leandro at tumingin sa Mommy ko. Sobrang lapad ng ngiti nya. Iyon ang dahilan kung bakit pumayag ako sa kasal na ito. Para sa kanya. Wala na ang Daddy at ako na lang ang nagpapasaya sa kanya kaya ipinangako ko na gagawin ko ang lahat ng gusto nya para makita ko lang ang ngiting 'yan araw-araw. "Oh sya, kaya lang naman ako nandito ay dahil susunduin ko kayong dalawa. Sumama kayo sa akin at may paguusapan tayo kasama ang Chairman," sabi nya sa amin na ang tinutukoy ay ang grandfather ni Leandro. Nauna na itong maglakad kaya inismiran ko si Leandro bago sumunod sa Mommy ko.Gusto ko na lang sanang bumili ng pagkain dahil hindi talaga ako marunong magluto pero wala pa pala kaming wifi at wala rin akong load kaya hindi ko ma-open ang delivery app.Kaya ngayon ay wala akong choice kundi ang mag-try na magluto ng kung anong makita ko sa ref. May laman naman iyon pero sinapat lang nina Mommy para sa Friday dahil gusto nilang kami na ang mag-grocery.May nakita akong itlog, mga frozen food, petchay at karne. Kinuha ko ang karne at petchay. I don't know what to cook using these ingredients. Ni hindi ko nga alam kung saan ako magsisimula.Dapat talaga ay nagpaturo na akong magluto kay Mommy noon o sa mga katulong namin. Hayst."So, what do I do first?"Gusto kong mag-research sa YouTube ng mga tutorial kung paano ito lutuin pero wala akong load kaya nakaka-inis. Bahala na. Wala akong pake-alam kung hindi magustuhan ni Leandro.Wala syang choice noh. Kasalanan nya yan at magpakasal sya sa isang katulad kong never humawak ng mga gamit sa kusina.Niluto ko muna ang
Hindi ko alam na nakatulog pala ako at nagising na lang dahil bigla akong tinulak ni Leandro sa kama. "Ano ba?! Pwede mo naman akong gisingin ng maayos ah?!" Inis kong sambit at inaantok pang tumayo mula sa pagkakahulog. "Ang likot mo matulog. Yang paa mo nasa bibig ko na! Kadiri kang bruha ka!"Inamoy ko naman ang paa ko. "Hindi naman mabaho ah! Arte nito."Tumayo na ako ng tuluyan at inayos ang gamit ko sa cabinet. Nang buksan ko ito ay puno na ng gamit ni Leandro kahit na malaki naman ang cabinet. "Hoy bakla, ayusin mo nga 'tong gamit mo. Wala na akong space na panlagyan ng mga damit ko!" Reklamo ko pa. "Nauna ako kaya ikaw ang mag-adjust," sagot naman nya habang inaayos ang kama namin. "Ah gano'n ah." Dali-dali kong kinuha ang mga damit nyang naka-hanger at inilagay ang sa akin. Ibinato ko sa kama ang mga damit nya."The hell?!" Inis itong bumalik ng tingin sa direksyon ko. "Sorry. My hand slipped," sabi ko sa mapang-asar na tono. Inis nya namang inayos ang mga nakakalat nyang dam
Hindi ko alam kung naninibago lang ba ako sa bahay o hindi lang talaga ako sanay na may katabi dahil kanina ko pa pinipilit na matulog pero gising na gising talaga ang diwa ko. Lahat na nga ng posisyon ay nagawa ko na. "Isa mo pang likot, sisipain kitang bruha ka," Inis na bulong ni Leandro. Hindi ko naman maitatangging malikot talaga ako pero anong magagawa ko eh hindi nga ako makatulog. "Hindi ako makatulog," sabi ko. "Walang nagtatanong," sagot naman nya. Ang maldita talaga ng baklang 'to. "Sinasabi ko lang naman."Ilang minuto pang tumahimik ang paligid pero gano'n pa rin ang sitwasyon ko kaya naisipan kong magsalita at magbakasakaling makakwentuhan ko ito kahit saglit lang hanggang sa makatulog ako. "Ano bang gusto mo? Baby boy o baby girl?" tanong ko. Naramdaman kong napalingon ito sa akin. Nakatalikod kasi kami sa isa't isa. "Are you serious? Eh kung sabunutan kaya kita?" aniya naman. "Nagtatanong lang naman eh. Narinig mo naman seguro 'yong sinabi ng parents natin di ba? Saan
Pagkarating namin ay nandoon na ang Mommy at Daddy ni Leandro pati na rin ang Chairman. Seryuso ang pinaguusapan nila nang dumating kami."Andyan na pala sila. Maupo kayo." Nginitian ako ni Tita Valencia at niyayang maupo sa tabi nya."Good to see you again, Chairman," sabi ko at yumuko ng kaunti. Si Chairman Hong DeGuzman ang pinakarespitadong tao sa pamilya nila. Sya kasi ang nakatuka sa pamilya. Kinakatakutan sya ng marami pati na rin ng pamilya nya kaya gano'n na lang rin ang respeto ko para sa kanya."Good to see you too, Zeana or should i say Mrs. Zeana Bueanvista DeGuzman?" Tumawa ito nang mahina kaya napangiti ako. Minsan lang itong gano'n kaya natutuwa ako. "Welcome to the family, Hija.""Thank you po."Pagkatapos ay lumingin ito sa gawi ni Leandro. Nang magtama ang panigin nila ay kaagad na nagbago ang modo nito. Hindi na kasi lihim sa amin na hindi sila magkasundo ni Leandro. "Sa wakas at may nagawa ka na ring tama, Leandro. This is the first and only time you made a right
Masarap ang simoy ng hangin habang naghihintay ako sa pagbukas ng malaking pintuan. Perfect ang music na talagang ikakaiyak mo kapag dahan-dahan ka nang maglalakad palapit sa altar kung saan naghihintay ang taong pinakamamahal mo at pinapangarap mo na makasama habang buhay. Maganda ang desinyo ng simbahan, maaliwalas ang paligid at syempre sobrang ganda ko ngayon. Ako 'yong bride eh. Nang bumukas na ang pintuan ay lahat sila nasa akin na ang atensyon. Feel na feel ko ang pagiging main character ko. Feeling ko ako ang pinakamaganda sa araw na ito. Dahan-dahan na akong naglakad at feel na feel ko pa talaga ang moment. Kasal ko 'to eh, bakit ba?Napapikit pa ako habang ini-imagine ang hitsura ko sa perspective ng groom ko. Seguro naiiyak na sya kasi hindi sya makapaniwalang sobrang ganda at maswerte sya sa papakasalan nya. Pero nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang mukha ng soon to be husband ko na parang naasiwa at nasusuka habang nakatingin sa akin.Nagbago rin ang mu







