LOGINHindi ko alam kung naninibago lang ba ako sa bahay o hindi lang talaga ako sanay na may katabi dahil kanina ko pa pinipilit na matulog pero gising na gising talaga ang diwa ko. Lahat na nga ng posisyon ay nagawa ko na.
"Isa mo pang likot, sisipain kitang bruha ka," Inis na bulong ni Leandro. Hindi ko naman maitatangging malikot talaga ako pero anong magagawa ko eh hindi nga ako makatulog. "Hindi ako makatulog," sabi ko. "Walang nagtatanong," sagot naman nya. Ang maldita talaga ng baklang 'to. "Sinasabi ko lang naman." Ilang minuto pang tumahimik ang paligid pero gano'n pa rin ang sitwasyon ko kaya naisipan kong magsalita at magbakasakaling makakwentuhan ko ito kahit saglit lang hanggang sa makatulog ako. "Ano bang gusto mo? Baby boy o baby girl?" tanong ko. Naramdaman kong napalingon ito sa akin. Nakatalikod kasi kami sa isa't isa. "Are you serious? Eh kung sabunutan kaya kita?" aniya naman. "Nagtatanong lang naman eh. Narinig mo naman seguro 'yong sinabi ng parents natin di ba? Saan tayo kukuha ng bata?" Natahimik ito ng ilang sandali. "So, gusto mong mag-sex tayo?" Bigla nyang sabi na nagpabalikwas sa akin. Gulat ko itong nilingon. "Gaga ka ba? Ayuko noh!" Tumayo naman at naupo. "Exactly! Ayuko ring makipag-sex sa'yo. Hindi ko ma-imagine ang sarili kong nakikipagchukchakan sa babae! Ewwww!" "Maka-ew ka ha! For more information masarap ako noh!" Natawa ito sa sinabi ko na parang iniinsulto ako. Nakaramdam naman ako ng hiya. Bakit ko nga ba sinabi 'yon? Kainis! "At sinong nagsabi nyan? Boyfriend mo? Ex mo?" "Wala...wala akong boyfriend noh at mas lalong wala akong ex." Mas lalo itong tumawa ng nakakainsulto. "I'm not surprised." "Ang point ko lang naman ay kung paano tayo magkakaanak na hindi nagse-sex!" Humawak ito sa baba nya na parang nag-iisip. "Eh kung bumili ka ng lalake. Makipag-one night stand ka at kapag nabuntis ka edi ok!" Hinampas ko ito ng unan. "Gaga ka ba?! Anong tingin mo sa akin aso na kung kanino-nino na lang makikipag-sex? Ayuko nga! Ikaw na lang kaya!" "Hello? Bopols ka ba? Ako ba ang magbubuntis? Alangan naman magpapakita tayo ng bata sa kanila na hindi nga nila nakitang nabuntis ka." "Eh ano ngang gagawin natin?!" Naiinis ko nang tanong. Umiinit na ang ulo ko dahil sa stress sa pinasok kong ito. "Try kaya natin?" sabi ko at lumapit sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata nito. "H-hoy babae ha! Sasabunutan kita! Huwag kang lumapit!" Tumili pa ito ng malakas. "Eh diba honeymoon na nga 'to?" "A-ano ba! Lumayo ka nga!" Napangisi ako dahil namumula na ito sa pang-aasar ko. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya kaya napalunok ito. "Gagahasain mo ba ako? Sinasabi ko sa'yong babae ka!" Kinuha ko ang wine na nasa likod nya at pinakyuhan ito. "Ulol! Akala mo naman papatulan kita." Binuksan ko ang wine at tinungga iyon. "Oh may 40% alcohol pala ito. Baka pwede na 'to," sabi ko at nilingon sya. "Anong pwede na?" "Alam mo 'yong sa mga drama. Iyong nalalasing sila tapos may mangyayari sa kanila tapos BOOM! Buntis pagkagisi--Aray!" Mabilis nya akong sinipa kaya nalaglag ako sa kama. Tumama pa ang pwet ko sa semento kaya masakit. "Ano ba?!" Inis kong sigaw. "Kung ano man 'yang pantasya mo ah huwag mo akong idamay! I will never have sex with you!" Sigaw pa nya na parang diring-diri sa akin. "Hindi ako kakain ng bilat!" Sigaw nya pa at bumalik sa pagkahiga. "Yuck! Yang mga words mo ang babastos!" "Matulog ka na nga bago pa kita itapon sa labas." Inis akong bumalik sa kama at sinubukang matulog pero gano'n pa rin. Hindi ko alam kong anong oras na ba pero gising pa rin talaga ako. Hanggang sa marinig ko ang malakas na pagtama ng butil ng ulan sa bubong ng bahay namin. Mas lalo tuloy lumamig. Pumasok sa isipan ko ang ala-alang hindi ko makakalimutan. Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko ng ulan. Because i remember my dad in every drop of the rain. (FLASHBACK 20 YEARS AGO) I was 9 years old when I saw my dad lying on the ground lifeless. Muwang pa ang isipan ko noon at halos hindi ko pa naiintindihan ang nangyari sa kanya. I was holding my favorite teddy bear that he gave to me on my birthday. "Daddy?" tawag ko sa kanya. Punong-puno ito ng dugo sa katawan. Pati sa semento ay dumadaloy na rin ito na hinaluan ng tubig ulan. Ang sabi sa akin ni Daddy ay lalabas lang sya para tingnan kung sino ang nagdo-door bell sa labas pero nakarinig kami ng tatlong beses na putokan at hindi na sya nakabalik. "Zeana! Bumalik ka dito!" Naramdaman ko na lang na hinila ako ni Mommy papasok ng bahay. Umiiyak ito at basang-basa na ng ulan. "Mommy si Daddy po!" Naiiyak ko na ring ani pero umiling lang ito at binuhat ako. Tumakbo kami sa kwarto at itinago nya ako sa maliit na drawer. "Huwag kang aalis dito, Zeana. Wait mo si Mommy ok?" Nanginginig ang mga kamay nya habang hawak-hawak ang kamay ko. "Bakit po? Saan po kayo pupunta?" "Hihingi ako ng tulong. Dito ka lang, ok? Promise me hihintayin mo si Mommy na bumalik." "S-sige po." Pagkatapos no'n ay sinirado na nya ang drawer at lumabas ng kwarto namin. Umiiyak ako noon pero tinatakpan ko ang bibig ko dahil natatakot ako na may makarinig sa akin. Ilang sandali pa at may narinig akong mga taong nag-uusap isa doon ang boses ni Mommy na umiiyak. "Please, nagmamakaawa ako sa inyo. Huwag nyong idamay ang anak ko." Nakikiusap ito sa kung sino man ang kausap nya. Napabalikwas na lang ako dahil nakarinig ako ng malakas na tunog. Iyon na pala ang hudyat na binaril ng taong iyon si Mommy sa paa. Nagmarka ito pero parang sinadyang hindi lumpuhin si Mommy ng taong bumaril sa kanya. "Take care of your child, Crisha at gawin mo ang iniutos ko sa'yo." "Y-yes...S-salamat po." (FLASHBACK ENDS) Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang inaalala ang mga nangyari ilang taon na rin ang nakakalipas. Sobrang sakit pa rin talaga. Lumaki akong may galit sa kung sino man ang taong pumatay sa Daddy ko noon. Kilala sya ni Mommy at gusto kong malaman kung sino iyon. I want revenge. Gusto kong malaman kung bakit nya iyon ginawa sa Daddy ko. Seseguradohin kong pagsisisihan nyang nabuhay pa sya sa mundo.Zeana's POVO.M.G.!!Anong kagagahan na naman itong nagawa ko? Gusto kong bawiin ang sinabi ko, pero may parte sa akin na ayaw gawin iyon. The hell, Zeana? Ano na ngayon 'to?Pagkaalis ni Chairman ay kaagad akong hinila nang malakas ni Leandro sa balikat."What the hell was that? Bruha ka ba? Bakit ka nagsinungaling?!" sigaw niya, at halatang galit siya sa ginawa ko.Wala akong maisagot sa galit niya kaya napatingin lang ako sa mga mata niya."Ghad! How can you act so recklessly? Alam mo ba ang kahahantungan no'n, ha?! Hindi mo kasi ginagamit 'yang utak mo!" Doon na ako napalingon sa kaniya."Ako pa talaga, ha? Ikaw kaya ang sumagot kanina? Nakita mo naman kung gaano kagalit sa'yo si Chairman, hindi ba? I'm just saving you--""So, now it's my fault? Did I tell you to say those words to 'save' me?"Naiinis na talaga ako sa kaniya kaya sinasagot ko na rin ang galit na ibinabato niya sa akin."Eh ano bang pinuputok ng butchi mo?" Napabuntong-hininga ito at napahawak pa sa dulo ng ilong n
ZEANA'S POVAlam ko namang may galit sa akin si Leandro, pero grabe naman siya kung makasigaw sa akin kanina pa.“Baliw ka ba? Kanina pa kita tinuturuan, mali pa rin,” ani nito. Ibinalibag ko sa kanya ang sandok na hawak ko.“Edi ikaw na dito!” sigaw ko. “As far as I remember, ikaw ang nagsabing turuan kitang magluto. Tapos ngayon, magrereklamo ka?” Tumaas ang kilay ko.“Eh, grabe ka naman kasi! Hindi naman ganyan.”“Eh, shunga ka kasi turuan.”“Bad teacher ka lang talaga!”“Edi bahala ka sa buhay mo!”Sasagot pa sana ako, pero pareho kaming nagulat nang malaglag ang takip ng kaldero sa sahig. Matinis ang tunog no'n at masakit sa tenga.Nang sabay naming lingunin, nakita naming umaapaw na ang sabaw sa niluluto naming pochero. Dali-dali namin itong nilapitan. Pinulot ko ang takip at ibinalik, habang si Leandro naman ay agad na nagpahina ng apoy.“’Tingnan mo na? ’Yan ang nangyayari kapag pinapabayaan mo ang ginagawa mo. If you are cooking, you need not just the skills but also patience
Last day na namin at papababa na ng lobby nang hindi ko inaasahang makita ang dati kong kaklase noong high school. Siya ang nakakasama ko noon sa mga organization na sinasalihan ko. Si Juwon. Nagkita kami sa hallway. Siya ang unang nakakita sa amin at kaagad kaming binati. Pagkatapos noon ay nag-usap muna kami ng kaunti."Kamusta na? Ang tagal na nating hindi nagkita ah," aniya. "Eto still surviving sa buhay. Ikaw ba, kamusta na? Ang laki na ng pinagbago mo ah," ani ko naman. Ngumiti ito nang malapad. "Maayos naman, at ito may sarili na ring pamilya."Nagulat ako at namangha sa sinabi niya. "Talaga? Wow naman. Nakapag-asawa na rin sa wakas ang torpe naming Secretary." Natawa ito sa sinabi ko. "Ikaw ba? Siguro naman ay may boyfriend ka na?" tanong niya at hindi ko alam kung bakit gusto kong matawa. Never akong nagka-boyfriend, Instant asawa na kaagad. Nilingon niya si Leandro na tahimik na nagci-cellphone sa gilid ko. "Bilib naman talaga ako sa friendship nyo. Hanggang ngayon magkasam
Mabilis ang naging takbo ng mga araw kaya halos matapos na nila ang inspection at mga kailangang iproseso para makapagsimula na sa paggawa ng gusali. Ikatlong araw na namin ito at kahit papaano ay hindi na ako gano'n kabagot dahil mas pinili kong maglakwatsa sa lahat ng nakita kong puwedeng puntahan sa internet. Nandito lang din naman ako, kaya susulitin ko na ang bakasyon.I went to different places--from malls, parks, and restaurants I could find. Sobrang dami ko na ring nabili sa bawat lakad ko. Kaya naman nang makita ako ni Claire na may dalang dalawang bag ay nagputak na naman ang bunganga nito."Really? Balak mo bang gastosin ang lahat ng pera ng asawa mo? Ipaalala ko lang sa'yo na pinaghihirapan niya lahat ng--"Hindi ko na pinatapos ang komento niya dahil kaagad ko na itong tinalikuran at pumasok sa loob ng kwarto namin."Pwede mo naman kasing aminin na naiinggit ka sa'kin," sambit ko at hinarap ito. Humigop ako sa dala kong matcha latte. Katulad ng inaasahan, napasinghal ito.
Wala akong gagawin kaya sumama ako sa project inspection nila sa Zambales. Isang sasakyan lang kami ni Claire dahil nagpumilit itong sumabay sa amin kahit na obviously ay may sarili naman siyang sasakyan. Mahaba pala ang biyahe kaya na-bore ako at naisipang magpatugtog sa radio ng sasakyan niya. Sakto namang tumugtog ang favorite artist kong si Olivia Rodrigo sa kantang "good 4 u.""Skip that," biglang utos ni Leandro."Bakit? Maganda naman ah," sagot ko."Too loud," saad niya.Napairap ako at nang dumako ang tingin ko sa rearview mirror, nakangisi si Claire sa likod. Parang ang saya niyang pinapanood kaming nag-aaway ni Leandro. Pinindot ko ang next button at tamang-tama dahil favorite band ko naman ang tumugtog."Skip," utos niya ulit."Maganda naman ang mga kanta ni Taylor Swift ah," angal ko pa."Too emotional," simple niyang sagot.Napanganga ako at napasinghal sa inis. Ano na naman bang problema nito? Kung hindi lang namin kasama si Claire, baka kanina ko pa 'to hinambalos."Ako
Leandro's POVIt's Sunday morning, and my original plan was to sleep all day dahil pagod na pagod ako sa work lately. But here I am. I don't even know why I decided to help her with chores.Napailing na lang ako ng mainis na ito sa kakapindot ng washing machine pero hindi pa rin umaandar."Tiningnan mo na ba kung nakasaksak?" tanong ko habang nakatayo sa tabi niya. Umikot naman ito at nasapo ang noo. Alam ko na kaagad ang ibigsabihin noon kaya mas lalong bumigat ang paghinga ko.Umiiksi na talaga ang pasensya ko sa bruhang 'to!Pagkatapos niyang isaksak ay sinimulan ko nang turuan siya sa kung paano maglaba dahil clearly, wala siyang alam kahit isa."Kailangan mong i-separate iyong puting damit sa may de-kulay," Paliwanag ko. "Bakit?" tanong naman niya."Kasi baka may damit dyang magma-mantsa sa mga puti. Mahirap tanggalin iyon. Simulan mo na."Inisa-isa naman niya ang mga damit at halos pigilan ko ang sarili na batukan siya. "Ano ba? Bilisan mo para ka namang pagong kung kumilos," in







