Share

CHAPTER 5:

last update publish date: 2026-07-27 13:36:22

ZOREIGN'S POV:

“Nandito na tayo sa magiging kwarto mo." saad ni sir David nang huminto kami sa isang p***o.

“Okay sir. Salamat!" saad ko.

“No worries! Goodluck on your task tomorrow. Ito nga pala ang susi sa magiging kwarto mo.” nakangiting saad niya.

Saka niya ako ginawaran ng pala-kaibigang ngiti na walang halong malisya at ibinigay ang hawak na susi.

Kaya naman magiliw ko itong tinanggap.

“Salamat ulit sir!" nakangiting sagot ko

Saka na siya umalis, habang ako naman ay binuksan ang p***o ng magiging kwarto ko.

Nagulat ako at namangha ng sobra nang tumambad sa akin ang napakalawak na kwarto ko. Parang sala na ‘to sa bahay ng tiyahin ko ah.

"Wow! Ang ganda at ang laki,” saad ko, saka mabilis na naglakad palapit sa kama. "Ang pa lambot ng kama!”

Parang kinikilig na saad ko nang mahawakan ang malambot na kama. Saka ako humiga at tumingin sa kisame.

Puti ang pintura na may halong abo. Simple pero elegante. May mga mukhang mamahaling painting na nakasabit sa pader. May telebisyon, aircon, closet at banyo.

"Parang dinaig ko pa ang nagtrabaho sa ibang bansa ah. Ang lamig pa ng silid, ang sarap tuloy matulog.” sabay hikab ko.

At hindi ko namamalayan na nakatulog na pala ako dahil sa lamig ng aircon at lambot ng kama.

Nagising lang ako mula sa pagtunog ng cellphone ko. Dahilan para magmulat ako ng mga mata at abutin ito sa loob ng sling bag ko na nakasabit pa rin pala sa katawan ko.

Pagtingin ko sa caller ID ay si Jessa ang tumatawag.

Pagpindot ko ng answer button ay bibig ng tiyahin kong bruha ang bumungad sa pandinig ko.

"Hoy Zoreign! Saan ka na naman ba nagsusuot at bakit gabi na pero wala ka pa rin dito ha?!" halos pasigaw na saad niya.

Dahilan para mapapikit ako sa sobrang tinis ng boses niya saka ko inilayo sa tenga ko ang cellphone.

“Tiyang, relax ka lang pwede? Gusto mo bang madagdagan yang guhit sa noo mo?” kalmadong saad ko.

Dahilan para biglang tumigil siya sa kakatalak.

"Hindi na ako uuwi riyan. Nakahanap na ako ng magiging trabaho ko.” saad ko.

"Ano?! Pagkatapos ka naming patirahin sa bahay namin, pakainin at paaralin ay ang kapal ng mukha mong sabihin yan?!” galit na saad niya at halos mag histerikal mula sa kabilang linya.

Panigurado na rinig na rinig ang matinis niyang boses ng mga kapit-bahay namin. Napaka eskandalosa talaga kahit kailan.

Dahilan para magpanting ang tenga ko sa sinabi niya.

That's it! Panahon na para magsalita at sabihin ang saloobin ko.

"Lahat ng kinain at ginastos ko sa pag-aaral ay galing sa dugo't pawis ko. Pinaghirapan ko yon. Kaya wala kayong karapatang sabihin sa akin yan.” malamig na saad ko.

"Aba't! Sumasagot ka pa talaga! Walanghiya ka talagang babae ka! Pinagsisihan ko na kinupkop pa kita noon. Wala ka namang kwenta!” galit na sigaw niya sa akin sa kabilang linya.

"Huwag kayong mag-aalala. Hindi na kayo maiinis sa maganda kong pagmumukha dahil hinding-hindi niyo na ako makikita pang muli.” pinal na saad ko saka pinutol ang tawag.

Ilang minuto matapos ang nagbabagang usapan namin ay napabuntong-hininga na lamang ako.

Aaminin ko, tagos hanggang buto ang mga sinabi niya. Pero dahil ako si Zoreign Dominguez ay hindi ko dinidibdib ang mga problema.

Masyado nang malaki ang dibdib ko para dagdagan pa.

Saka ako nakarinig ng pagkatok mula sa labas ng p***o.

Mabilis na bumangon ako, isinuklay ang mga daliri sa nagulong buhok at saka naglakad papalapit sa p***o para buksan ito.

Bumungad sa akin ang isa sa mga kasambahay nila dito.

"Hi! Ikaw si Zoreign, tama?” nakangiting saad niya.

"Ako nga, bakit ano yon?” nagtatakang tanong ko.

"Kakain na kasi tayo ng dinner. Sabay-sabay ang mga maid dito.” paliwanag niya.

"Gano'n ba?” saad ko.

Saka niya ako tinanguan.

Kaya naman sumama na ako sa kanya.

“Palagay ko ay magkakasundo tayong dalawa. Kasi tayo ang magkalapit ng edad dito. Ilang taon ka na ba?" tanong niya habang naglalakad kami sa pasilyo.

“Talaga ba? Twenty-three years old na ako. Ikaw ba?" tanong ko.

“Wow! Twenty-four years old na ako. So tama pala ako ng hula.” sabay hagikgik niya.

Nararamdaman ko na genuine siyang tao at sana hindi siya magbago.

"So pwede ba tayong maging magkaibigan?” tanong niya, bakas ang kislap sa mga mata niya.

"Sure! Why not?" nakangiting saad ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

Kaya niyakap ko siya pabalik.

“Sorry!" sabay tawa niya. “Na carried away ako. Eh kasi naman, napakasungit ng iba ditong maid ayaw makipagkaibigan sa akin." napangusong saad niya.

Saka kami napahinto noong pumasok na sa kusina at nakahain na ang mga pagkain sa long table.

Nakaupo na ang lahat at naghihintay sa amin.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya.

May hiya pa naman ako ‘no!

“Oh! Nandito na pala ang bagong maid." tila mahaderang saad ng isa na sa tingin ko ay mas matanda lang ng kaunti sa amin.

Makapal ang pulang lipstick sa labi niya, maging ang blush on nito ay putok na putok na para bang pinagsasampal ang pisngi niya.

Pasimpleng bumulong sa akin ang kasama kong maid. “Huwag mong pansinin yan. Feeling tagapagmana, nakalimutan yata niyang isa siyang maid dito.”

“Ay hindi ko talaga yan papansin basta ba hindi niya susubukang hawakan ni dulo ng daliri ko kasi pasensyahan na lang tayo. Baka umiyak yan." matamis na ngiti ko.

“Nakakatuwa naman! Strong person pala ang isang tulad mo." namamanghang saad niya.

Saka ako nagkibit-balikat lang, umupo na na kami at nag-umpisa nang kumain.

Adobong baboy ang ulam at napapikit ako sa sarap nang matikman ko ang lasa nito dahil nanunuot hanggang sa laman.

“Ang sarap nito. Sinong nagluto?" tanong ko sa babae na hindi ko pa pala natanong ang pangalan niya.

“Ah si manang Nora ang nagluto niyan. Matagal nang mayordoma dito sa mansyon ni mr. Hawthorne.” paliwanag niya.

"Gano'n ba?” saad ko saka muling sumubo ng ulam at kanin.

Pagkaraan ng ilang minuto ay halos sabay-sabay na kaming natapos na mag hapunan.

"Grabe sobrang nabusog ako!” saad ko sa kaibigan ko. "Hindi ko pa pala alam ang pangalan mo.” saad ko habang nagliligpit kami ng mga pinagkainan.

"Ay oo nga ‘no?” sabay hagikgik niya. "Ako nga pala si Fortress. Two years na ako n naninilbihan sa mansyon ni mr. Hawthorne.” paliwanag niya.

Pagkatapos ay naglakad na kami ng sabay, pabalik sa kani-kanyang kwarto namin.

— — —

KINABUKASAN…

Nagising ako mula sa malakas na alarm ng cellphone ko.

Oo, malakas at sinadya ko talaga yon para hindi ako mahuli sa first day ko. Nakakahiya naman kay boss sungit!

Mabilis na naligo ako at isinuot ang uniform ko na isang stylized French maid uniform na binubuo ng itim na bestida na may puting ruffles, puting apron, at maid headband. Mayroon din itong ribbon sa leeg, maikling ruffled na palda, at lace thigh-high stockings.

Pagharap ko sa body mirror ay nagulat ako sa ganda ng pagkakahubog ng katawan ko sa uniform na ito.

“Wow! Infairness! Mukha akong costplayer dito, huh.” nakangiting saad ko, saka naglagay ng cologne na Fiona red.

Handa na akong gawin ang mga task na ipapagawa ni sir Sungit.

This is it pansit!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 56:

    CAIUS POV: Nag-uumpisa na kaming makaramdam ng init sa katawan. Habang pinagsasaluhan namin ang maiinit na halik nang gabi na ‘yon. Nang biglang tumigil si Zoreign at hindi ko na siya nararamdaman na gumagalaw.Pag-angat ng tingin ko ay natutulog na pala siya habang humihilik.Napailing na lamang ako.“Damn! Tinulugan ba naman ako?" hindi makapaniwalang saad ko.Mabilis na inayos ko ang pagkakahiga niya saka kinumutan siya para hindi malamigan."Goodnight, silly girl.” pabulong na saad ko sa tenga niya.Pagtayo ko at akmang aalis muna sana ako ay biglang hinila nito ang palapulsuhan ko. “Dito ka muna, huwag kang aalis. Hmmm…” paos na saad niya habang nananatiling nakapikit ang mga mata niya.Naalimpungatan siguro siya.Dahilan para mapabaling ako ng tingin sa kanya. Saka ako umupo sa kama at tinabihan siya.Pagkatapos ay pinalibot niya ang mga braso niya sa baywang ko, na para bang teddy bear ako.“Okay, okay… Now go to sleep, Zoreign.” saka ko hinaplos nang marahan ang ulo niya at

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 55:

    ZOREIGN'S POV:"That’s wonderful. And if you don’t mind me asking… are you here for your honeymoon?" magiliw na tanong niya.“Honeymoon?” ulit ni Caius na para bang nililinaw niya kung tama ba ang narinig niya."Yes. You look like a newlywed couple." nakangiting saad niya.“Ah, no. We’re getting married first.” nakangiting saad ni Caius.Dahilan para mapatawa ang driver. “Oh! So this is the pre-honeymoon?” pabirong saad niya.“Exactly. We thought we’d practice being a married couple first. Then we’re going to have our honeymoon. Right, mahal ko?” malambing na saad niya sa akin na para bang kinareer ang pagiging mag fiance kuno naming dalawa.Biglang nag-init ang pisngi ko dahil nakaramdam ako ng hiya sa kalokohan ng lalakeng ‘to.Nang mapabaling siya ng tingin sa akin ay pinandilatan ko siya ng mga mata.“I see! Then congratulations in advance. Copenhagen is quite a romantic place, you know.” sagot nito.“Good. Then we picked the right city." nakangiting saad ni Caius dito.Saka niya

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 54:

    ZOREIGN'S POV:Tahimik na umaandar ang makina habang unti-unting iniiwan ng eroplano ang runway. Habang komportable kaming nakaupo sa upuan saka ako tumanaw sa mga ulap sa malawak na bintana. Sa taas ng libu-libong talampakan, ramdam ang kakaibang kombinasyon ng luxury, privacy, at first-class travel.“Wow! Ang gandaaa…” namamanghang saad ko habang nakatanaw sa labas ng bintana ng eroplano.Parang bulak ang mga ulap saka biglang may dumaan na mga grupo ng ibon na malayang lumilipad sa ere.Saka biglang may sumulpot na stewardess habang tulak ang service cart.“Good morning, Sir Caius and Ma’am Zoreign,” bati ng stewardess habang maingat na inilalapag ang breakfast tray sa harap nila. “Your breakfast is served.”Tumingin si Caius sa tray saka tinanguan ang babae.“For Mr. Caius, we have eggs benedict, smoked salmon, fresh fruits, and your coffee.” matamis na ngiti niya saka pasimpleng inipit ang buhok sa tenga na para bang nagpapapansin sa kanya.Sinadya pa nga niyang yumuko para ipaki

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 53:

    ZOREIGN'S POV:“Are you ready?" tanong ni Caius sa akin.Wow! Wala nang sir, nag upgrade na naman ang tawag ko sa kanya.“Handa na. Oo nga pala Sir ay este Caius, ba't ganto ang suot natin? Masyado naman atang bongga." nakakunot-noong saad ko.Nilapitan ako ni Fortress at bakas sa mga mata niya ang excitement para sa akin.“Ingat kayo Zoreign!" saad niya saka ako pasimpleng nilapitan dahil abala si Caius sa pagpindot sa cellphone niya. "May utang kang chika sa akin pag-uwi mo.” "Sige ba!” nakangiting saad ko.Suot ang mahabang camel-colored na trench coat na nakapatong lang sa mga balikat. Ang pang-itaas ko ay kulay beige na fitted turtleneck na nakapasok sa pantalon. Habang ang pang-ibaba ay high-waisted na light-wash na asul na jeans na may punit na laylayan.Chunky na puting sneakers para sa panyapak. May suot din ako ng kulay gray na crossbody saddle bag at bilog na dark sunglasses.Habang siya ay nakapatong ang isang camel long coat na hanggang tuhod at mga butones sa harap. Ang

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 52:

    ZOREIGN'S POV:“Ano? Magtititigan na lang ba tayo dito o ako na mismo ang maghuhubad niyang damit mo para makaligo ka na?” saka umangat ang kilay niya at ipinagkrus ang kanyang mga braso.Habang prenteng nakaupo sa kama ko na para bang isang hari.Basa ang medyo magulong buhok niya at tanging itim na roba lang ang suot niya. Hindi ko alam kung may suot ba siyang panloob.Halatang naligo na siya at fresh na fresh habang ako ay may muta pa yata sa mga mata at laway sa gilid ng pisngi ko.“M-Maliligo na ako! Huwag na huwag mong susubukang sumunod!" halos pasigaw na babala ko saka mabilis na sinara ang pinto sa banyo.Hinihingal at nanghihinang napasandal ako sa likod ng pinto. Habang hawak ang dibdib ko na walang tigil sa pagkabog.“Jusko! Ano kayang trip ng kumag na ‘to? Bakit nandito siya sa kwarto ko." halos pabulong na saad ko.“Maligo ka na! Bilisan mo dahil kapag nainip ako sa kakahintay sayo ay papasukin kita sa loob ng banyo." babala niya sa akin."Heto na nga! Maliligo na!” naka

  • A Maid for the Billionaire's Heart   CHAPTER 51:

    ZOREIGN'S POV:“P-Pirmahan ko na yung kontrata." pag-iiba ko ng topic sa kanya saka umiwas ng tingin.Nakakailang kasi ang klase ng paninitig niya sa akin saka naduduling ako. Nagsisimula na rin niyang guluhin ang nananahimik kong sistema. Pilit kong tinutulak ang matikas niyang dibdib pero hindi naman siya nagpapatinag.Napabuntong-hininga na lang ako."Alam ko naman na maganda ako Sir, pero huwag naman kayong masyadong magpahalata na gandang-ganda kayo sa akin.” pagbibiro ko para mabawasan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.Kaya umangat ang labi nito nang marinig ang sinabi ko. Na para bang nag-eenjoy siya sa presensya ko.“Masyado na yatang pinalalaki ni Xavier ang ulo mo kaya ganyan kalakas ang confidence mo sa sarili." malamig na saad niya.Para bang sa pagbanggit pa lang niya sa pangalan ng kanyang pinsan ay naaalibadbaran na siya. Dahilan para tapunan ko siya ng matalim na tingin. Nakakainsulto na tong kumag na ‘to ah!“Anong masama kung may confidence ako sa sarili ko?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status