“Cleah, pwede ba kitang makausap nang sandali bago ka umuwi?”Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit nang tawagin ako ni Mrs. Santos, ang aming class adviser, pagkatapos ng huling klase. Nagkatinginan kami nina Sarah at Banjo. Mabilis kong sinabi sa kanila na mauna na sa labas at susunod na lang ako.Nang makalabas ang lahat, saka ako lumapit sa mesa ni Ma'am Santos.“May problema ba, Ma'am?” tanong ko.Bumuntong-hininga ang guro habang inayos ang kaniyang salamin sa mata. “Gusto ko lang sana itanong kung may pinagdadaanan ba si Jornales nitong mga nakaraang araw? Kayo naman ang madalas magkasama, baka may nababanggit siya sa'yo.”Napakunot ang noo ko. “Po? Bakit niyo po naitanong?”Inilipat ni Ma'am Santos ang ilang test papers sa harap ko. “Mataas ang potensyal ni Cliff, pero nagulat ako ngayong linggo. Bagsak siya sa tatlong magkakasunod na quizzes at nala-late ang outputs niya. Cleah, malapit na ang final exams. Kung magpapatuloy ito, hindi lang siya matatanggal sa honor roll… baka b
آخر تحديث : 2026-08-10 اقرأ المزيد