Mabilis kong ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa canteen. Ewan ko pero parang naiintindihan ko kung bakit ganoon na lang ang inasal sa akin ni Brittany. Baka sa pagkakataong ito ay tinamaan na siya ng selos. Eh ako nga na walang karapatan, grabe din ako magselos sa kaniya. Pero noon na iyon. Inuulit ko, NOON!Pagdating ko sa canteen, agad kong nahanap sina Sarah, Leah, at Banjo sa paborito naming pwesto sa gilid. May nakahain na ngang plato ng carbonara at malamig na iced tea sa harap ng bakanteng upuan.“O, Cleah! Akala namin hindi ka na makakahabol, e,” masayang bati ni Sarah nang maupo ako sa tabi nila.“Inorder ka na agad ni Banjo ng carbonara para kumain ka na lang agad pagdating mo,” dagdag pa ni Leah sabay ngiti.Napatingin ako kay Banjo na abala sa pagnguya ng kaniyang burger. “Salamat, Banjo. Hulog ka talaga ng langit.”“Tsk, maliit na bagay! Basta ikaw, malakas ka sa akin,” ngiti niya at nakipag-apir pa sa akin. “Kamusta naman ang pagbuo niyo ng Chapter 1 ni Cliff? Huwag
Last Updated : 2026-08-10 Read more