“Sige, g ako!” walang hiyang pagsang-ayon agad ni Banjo, sinamaan ko siya ng tingin. Habang sina Sarah at Leah ay nakatingin pa rin sa akin, halatang gusto rin ang alok ni Cliff pero hinihintay lang ang approval ko. Dahil wala na rin naman akong maisip na idadahilan, wala na akong nagawa kundi ang bumuntong-hininga at tumango na lang sa kanila.“Sige, Cliff,” kaswal kong sabi para hindi mahalata ang kaba ko. “Minsan lang naman manlibre ng pastries 'tong si Cliff.”“Anong minsan?” tila nainsulto pang apila agad ni Cliff. "Araw-araw kitang pinagmemeryende… dati," dugtong niya pero humina ang tono niya sa huling salita. “Uh, it's settled, then. Let's go? Baka abutan pa kasi tayo ng traffic." Tinanguan ko ulit ang mga kaibigan ko. Magkakasama kaming bumaba patungo sa parking space ng eskwelahan. Pagdating sa kotse niya, si Banjo agad ang sumunggab sa passenger seat sa harap. Wala namang kaso ‘yun sa akin pero nababahala ako na baka mairita si Cliff. Masyadong feeling close kasi itong si
Last Updated : 2026-08-14 Read more