Nakasandal lang ang ulo ko sa bintana ng kotse habang pinapanood ang mabilis na pagdaan ng mga puno at poste sa kalsada. Sa likod, panay ang kwento ni Brittany kay Cliff tungkol sa naging prof niya sa major subject nila.Paminsan-minsan ay sumasagot si Cliff sa kaniya, ngunit karamihan sa mga tugon nito ay simpleng tango o maikling pag-sang-ayon lang.“Babe, alam mo bang halos kalahati ng klase namin ang pinalabas kanina? Nakakatakot talaga si Doc Santos,” kwento pa ni Brittany.“Strict talaga 'yun,” sagot ni Cliff at kahit hindi ko siya sulyapan ay ramdam ko ang kanina pa niya paminsan-minsang pagsulyap sa akin mula sa rearview mirror. “Cleah, gusto mo bang lakasan ko ang aircon? Para kasing mainit sa pwesto mo.”“A-Ah, hindi. Ayos lang naman ako dito,” mabilis kong sagot nang hindi lumilingon sa kaniya.Pagkalipas ng ilang minuto, huminto din ang sasakyan sa tapat ng lobby ng condo building ni Brittany.“Thank you sa paghatid, babe!” masayang wika ni Brittany sabay abot ng gamit niy
Last Updated : 2026-08-17 Read more