It's over...Sisante na talaga ako."Girl, kaya mo 'yan. Magaling ka naman kaya maraming tatanggap pa rin sa'yo," bulong ng officemate kong si Marga habang palabas na kami ng conference room.Isa siya sa team kong hindi man lang kumibo kanina para suportahan ako. Gusto ko sana siyang pagsalitaan ng masasakit, kasama ang iba naming kasamahan, pero minabuti ko na lang na itikom ang bibig. After all, hindi naman siya ang nagsisante sa akin.Nagsimula na akong magbalot-balot pagkarating ko sa lamesa ko. My hands were trembling as I shoved notebooks and pens into my bag, pretending not to hear the whispers around me."Omg, pati siya, hindi pinalagpas ni Boss?""Sayang, magaling pa naman siya. Malaking kawalan din siya sa kumpanya...""Perfectionist kasi si Sir Raz. Walang sinasanto."Hindi ko sila masisi. Totoo naman kasi na walang sinasanto ang isang 'yon. Dati, hindi ako naniniwala sa mga sabi-sabi tungkol sa pagiging perfectionist niya. Hindi ko pa kasi nasasaksihan, lalo't baguhan lang
Last Updated : 2026-09-24 Read more