Lumipas ang ilang araw pa na tuluyang naging limitado ang aking pagkilos. Mas madalas na akong nakahiga na lamang sa kama, may nakakabit na rin sa akin na oxygen concentrator na inilagay ni Cliff sa tabi ng aming higaan para mas maging madali ang aking paghinga. Ang bawat pagsubo ko ng pagkain ay tila isang malaking hamon na sa akin dahil sa kawalan ng gana at matinding pagod.Ganunpaman, hindi ko nakitaan si Cliff na sinukuan na ako.Madalas ko siyang nakikita na kinokontak pa rin ang nakausap na niyang doctor sa ibang bansa. Hindi lang kami makapunta doon dahil bawal pa raw akong ibyahe, kaya ginagawan niya ng paraan na ang doctor na iyon ang makapunta dito.Bukod doon, aaw-araw ay sinisiguro niyang malinis ang katawan ko, maayos ang aking higaan, at naiinom ko ang mga gamot na pampakalma sa sakit na nararamdaman ng aking katawan.Isang hapon, habang maayos ang pakiramdam ko at maliwanag ang sikat ng araw na pumapasok sa aming bintana, pumasok siya sa kwarto na hawak ang aming Memor
Última actualización : 2026-08-21 Leer más