Pagkatapos kong magpalit ng oversized shirt at lounge shorts, nagtagal pa ako sa harap ng vanity mirror para siguraduhing wala nang natitirang bakas ng luha sa mga mata ko.Huminga ako nang malalim, pilit na inayos ang mukha para magmukhang kalmado, bago dahan-dahang bumaba muli papuntang dining room.Pagdating ko, nakaupo na silang tatlo. Si Lion ay nasa kabisera ng malaking lamesa, habang si Jewell naman ay nasa kanang upuan niya, maingat na naglalagay ng pagkain sa plato nito. Si KuyaDamon naman ay nakaupo sa kabilang tapat, kaswal na tinatapik ang bakanteng upuan sa tabi niya—ang tanging natitirang puwesto, na direktang nasa tapat ni Jewell at katabi mismo ni Lion.“Upo ka rito, baby girl,” alok ni Kuya Damon habang hinihila ang mabigat na kahoy na upuan para sa akin.“Salamat,” mahinang bulong ko bago umupo.“Sana gusto mo ang lasagna, Snow,” bungad ni Jewell na may mainit na ngiti habang naglalagay ng parte sa plato ko. “Tinanong ko si Lion kung ano 'yong mga paborito mong pagk
Terakhir Diperbarui : 2026-08-05 Baca selengkapnya