Masakit iyong tanggapin, ngunit wala siyang karapatang kuwestiyunin ang desisyon nito. Matagal siya nitong minahal ng walang pag-aalinlangan.“Naiintindihan ko,” sabi niya. “Hindi ako hihingi ng kapatawarang hindi mo pa kayang ibigay. Handa akong maghintay.”Hindi sumagot si Kiara.Bumalik si Cassian sa tabi ni Sierra at ipinagpatuloy ang pagliligpit ng art materials. Nang matapos, tinulungan niya ang bata sa bago nitong drawing. Hindi niya ipinahalata ang bigat sa dibdib. Ayaw niyang isipin ni Sierra na ito ang dahilan ng tensiyon ng mga magulang nito.Pagsapit ng oras ng pag-uwi niya, inihatid siya ng bata sa p***o.“Babalik po kayo?”“Sa susunod nating schedule.”“Bakit po hindi na lang kayo dito tumira?”Nagkatinginan sila.“Anak, may ibang bahay ang daddy mo. Sige na magba-bye ka na.”Nang yakapin siya ni Sierra, natabig nito ang folder na hawak ni Kiara. Kumalat sa sahig ang ilang dokumento.“Sorry, Mommy!”“Ako na.” Lumuhod si Cassian upang pulutin ang mga papel.Napansin niya a
Last Updated : 2026-09-06 Read more