เข้าสู่ระบบ“Now, are you willing to agree to an annulment so Chloe and I can finally be together?”Hindi naigalaw ni Ana ang tinidor. Nakatingin si Kurt sa kanya, samantalang nakaupo si Chloe sa tabi nito, naghihintay din ng sagot. Parang siya pa ang nakikisali sa usapang dapat ay silang dalawa lamang ng asawa niya.“Attorney, kailangan ko bang sumagot ngayon?”“I'd appreciate an answer.”“Tatlong taon tayong kasal. Hindi naman siguro masamang bigyan mo ako ng panahon para pag-isipan ang hinihingi mo.”Napatingin si Chloe kay Kurt. “Ana, you already know Kurt loves me. Why make things harder?”“Miss Chloe, hindi kita kinakausap.”Nagtaas ng kilay ang babae.“Usapang mag-asawa po ito. Sana maintindihan mo.”“Ana, don't be rude,” saway ni Kurt.“Hindi ako bastos, Attorney. Gusto ko lang makausap ang sarili kong asawa tungkol sa kasal namin.”Napatingin siya sa mga kumakain sa katabing mesa, saka ibinalik ang pansin kay Kurt. Hindi niya balak gumawa ng eksena sa restaurant. Pero hindi rin niya haha
“Wala, Attorney. Gusto ko lang maupo sa tabi ng asawa ko.”Tiningnan siya ni Kurt bago pinaandar ang kotse. “Ana, you're being childish.”“Hindi naman. Seat belt on na nga, very responsible passenger.”May narinig siyang buntong-hininga mula sa likuran.“Can we just go?” singit ni Chloe.Umandar ang kotse palabas ng parking area ng Top Legal Aid. Napatitig si Ana sa mga ilaw ng mga sasakyang kasalubong nila. Nakuha niya ang upuan sa tabi ni Kurt, hindi ang pagmamahal nito. Magkaibang bagay iyon. Gayunman, sa unang pagkakataon, hindi siya kusang umatras para bigyang-daan si Chloe. Maliit na tagumpay iyon, pero pinanghawakan niya.“Kurt, remember that restaurant we used to visit?” tanong ni Chloe. “Iyong may pasta na lagi mong ino-order?”“Sa may lumang mall?”“Yes! You always stole the mushrooms from my plate.”“That was because you never ate them.”Nagpatuloy ang usapan nila tungkol sa paboritong pagkain.“Attorney, gusto mo bang magpatugtog ako?” singit niya.“Whatever you want.”“Ro
Bago pa tumunog ang alarm, nakamulat na si Ana. Tiningnan niya ang note sa cellphone, 30-day challenge. Kagabi niya iyon ginawa, pero ngayong umaga pa lamang niya sisimulan ang panliligaw.Day 1 of 30.Tatlumpung araw. Kapag wala pa ring pagbabago, siya na ang lalayo. Hindi niya sinabi kay Kurt ang deadline. Ayaw niyang magmukhang nananakot o nakikipagpaligsahan kay Chloe. Ang gusto niya, kahit minsan, makita siya ng asawa bilang Ana, hindi bilang obligasyong ipinasa rito ng lolo.Nasa harap ng salamin si Kurt, abala sa kurbata.“Good morning, Attorney.”“Morning.”“Attorney, gusto mo bang tulungan kitang ayusin?”Sinulyapan siya nito. “Ilang linggo ka nang walang pakialam sa necktie ko, ah?”“Ikaw naman, hubby. I'm just waiting for you to call me. Kaso mukhang wala kang balak.”Lumapit siya at inayos ang buhol. Napahinto si Kurt at hinayaan siyang ayusin ang kurbata nito. Masyadong malapit ang mukha ng lalaki, naamoy niya ang pabangong gamit nito.“Heto. Mas maayos na,” sabi niya, sa
“Hindi mo pa ba alam na asawa ni Kurt si Ana?”Napatitig si Chloe kay Ana, saka bumaling kay Kurt. “What? Kurt, what is Grandpa talking about?”Hindi sumagot ang lalaki. Napansin ni Ana ang mabilis nitong sulyap kay Victoria bago tumayo.“Chloe, let's talk outside.”“But is it true?”“Please. I'll explain everything.”Hinawakan ni Kurt ang braso ni Chloe at inakay palabas ng dining area. Hindi na muling nagsalita ang babae hanggang sa mawala sila sa pasilyong patungo sa garden.Nakatitig pa rin si Ana sa pintuan nang mapansin niyang hawak niya ang basong hindi naman niya nainuman. Ibinalik niya iyon sa mesa.“Hindi mo ba susundan ang asawa mo?” tanong ni Don Alejandro.“Lolo, nag-uusap po sila.”“Lalo mo silang dapat kausapin. Ikaw ang asawa. Hindi mo kailangang maupo rito habang may ibang babaeng humihingi ng paliwanag sa kanya.”Napatingin si Ana kay Victoria. Nakayuko ito sa pagkain. Wala ring sinabi si Eduardo o Bianca. Walang nangahas magsalita tungkol sa nabunyag na lihim.Ayaw
Napatingin sa kanya si Attorney Avery. “Ana, may plano ka ba para sa sarili mo?”“Ano pong ibig ninyong sabihin?”“Hindi lang tungkol sa kasal ninyo ni Kurt. Tungkol sa buhay mo.”Naalala niya ang Wonder World Resort at ang alok ni Xavier Velasco pati na din ang pangarap na makapagtayo ng sariling bahay ang mga magulang. Sa kabila ng lahat, mayroon pa pala siyang mga bagay na gustong abutin.“May oportunidad po akong gustong subukan.”“Then take it seriously. Pero Ana, kahit magkaroon ka ng sariling trabaho o negosyo, hindi mababago niyon ang katotohanang kasal pa rin kayo ni Kurt.”Napayuko siya.“Pag-isipan mong mabuti ang bawat gagawin mo. Hindi madaling umalis,” dagdag ni Avery. “Pero huwag mong hayaang masayang ang buhay mo sa paghihintay sa isang bagay na walang katiyakan.”Nagpasalamat si Ana kay Avery bago bumalik sa reception.Ipinagpatuloy niya ang trabaho. Pagsapit ng hapon, may dumating na email mula sa Wonder World Resort.Nakalakip ang proposed project-review arrangement
“Naghiwalay sila ni Chloe pagkatapos ma-bankrupt si Owen. Maluho ang babaeng iyon.”Napatitig si Ana kay Lyra.“Sigurado ka?”“Kapatid ko si Owen. Siya mismo ang nagkuwento.”“Paano siya na-bankrupt?”“Nalugi ang negosyong itinayo niya sa America. Noong una, akala niya makakabawi pa. Pero dumami ang utang, at hindi na niya kayang bayaran ang mga gastusin nila ni Chloe.”Naalala ni Ana ang mga mamahaling gamit ni Chloe at ang kumpiyansa nitong pumasok sa mansyon na para bang doon ito nararapat.“Sabi ni Chloe, mag-aaral siya sa Harvard kaya siya umalis at iniwan si Kurt, di ba?” tanong ni Ana.Napailing si Lyra. “Kung ako sa iyo, hindi ako basta maniniwala sa mga sinasabi niya. Ayon kay Owen, hindi naman siya nag-aral doon. Winaldas lang niya ang pera ng kapatid ko. Mas mayaman pa si Owen kaysa kay Kurt noong mga panahong iyon.”“Pero kuwento iyon ni Owen,” sabi ni Ana, higit na para paalalahanan ang sarili. Hindi niya alam ang buong nangyari sa America, at ayaw niyang basta maniwala d







