Dalawang araw nang nakakulong si Maya sa VIP Suite 1 ng Lorenzo Medical Center. Wala na siyang lagnat, normal na ang kaniyang blood pressure, at higit sa lahat, inip na inip na siyang bumalik sa trabaho. Ngunit ang problema niya ay hindi ang kaniyang katawan, kundi ang kaniyang personal na doktor, warden, at manliligaw na si Dr. Dominic Lorenzo.Nakasuot na si Maya ng kaniyang paboritong maong na pantalon at puting t-shirt. Tapos na siyang mag-impake ng kaniyang maliit na bag at handa na sanang tumakas palabas ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto.Pumasok si Dominic. May hawak itong tray ng agahan, pancakes, sariwang prutas, at isang baso ng orange juice. Nakasuot ito ng kaswal na itim na v-neck shirt na bumabakat sa matipuno nitong dibdib, at kulay abong sweatpants. Nang makita niya si Maya na nakatayo at may sukbit na bag, awtomatikong nagsalubong ang makapal nitong kilay."And what exactly do you think you're doing, Miss Villareal?" malamig at nagbabantang bungad ni Dominic. Ib
Last Updated : 2026-09-15 Read more