Nakataas ang kilay ni Mikaela habang nakatitig sa kalmadong sekretarya ng kaniyang panganay. Sa loob ng dalawang taon, ngayon lang niya nakitang may naglakas-loob na kontrahin si Dominic pagdating sa pagkain nito at sa harap pa mismo nilang pamilya."Dalawang taon at tatlong buwan po, Dr. Lorenzo," pormal at magalang na sagot ni Maya, ibinaba ang hawak na tablet sa kaniyang hita."Please, call me Tita Mika," nakangiting pagtatama ni Mikaela. Sumandal siya at humalukipkip, ang mga mata ay kumikinang sa tuwa. "Dalawang taon? Paano mo natiis ang ugali ng anak ko? Bago ka dumating, buwan-buwan siyang nagpapalit ng sekretarya dahil walang nakakatagal sa init ng ulo niya."Umigting ang panga ni Dominic. Kinuha niya ang kaniyang baso ng tubig. "Mom, please. Hindi natin kailangang pag-usapan ang management style ko sa harap ng hapunan.""Oh, shut up, Kuya," mabilis na putol ni Gabriella, nakangisi nang nakakaloko. Inilapit pa ng batang abogada ang kaniyang silya. "I want to hear this. Spill t
Last Updated : 2026-09-12 Read more