Kinaumagahan, tila mabilis na nagparamdam ang reyalidad ng kaniyang pangalawang pagbubuntis.Hindi pa man sumisikat nang buo ang araw, biglang nagising si Mikaela dahil sa isang matinding pag-ikot ng kaniyang sikmura. Mabilis niyang tinanggal ang mabigat na braso ni Gabriel na nakapulupot sa kaniyang baywang, nagmamadaling bumangon, at patakbong nagtungo sa bathroom.Napasubsob siya sa lababo at nagsuka, kahit na puro laway at tubig lang ang lumalabas dahil wala pa siyang kain.Wala pang limang segundo, naramdaman niya ang pamilyar at mainit na kamay na humagod sa kaniyang likuran, habang ang kabilang kamay naman ay maingat na hinawi ang kaniyang buhok. Nakasunod na agad si Gabriel. Gulo-gulo ang buhok ng asawa at halatang naalimpungatan, pero ang mga mata nito ay puno ng pag-aalala."Breathe, baby. I'm here," malambing na bulong ni Gabriel, patuloy sa paghagod sa kaniyang likod. Kumuha ito ng baso at nilagyan ng maligamgam na tubig mula sa gripo. "Here, magmumog ka muna."Tinanggap n
Last Updated : 2026-09-11 Read more