Walong buwan.Ganoon na kalaki ang tiyan ni Mikaela, ngunit kung tatanungin si Gabriel, mas gugustuhin nitong itali na lang ang asawa sa kama nila sa bahay para hindi na ito mapagod. Ngunit dahil kilala ni Gabriel ang asawa, alam nitong mas mahirap kalabanin ang isang naglilihi at matigas ang ulong OB-GYN."Gab, hindi ako baldado, okay? I can still walk," natatawa ngunit naiiritang reklamo ni Mikaela habang naglalakad sila sa hallway ng ospital.Nakaalalay ang isang malaking kamay ni Gabriel sa ibabang bahagi ng likod ni Mikaela, habang ang isa naman ay nakahawak sa siko nito. Tila ba anumang oras ay babagsak ang asawa at handa itong saluhin. Nakatingin ang lahat ng nurses at doktor sa kanila, lihim na kinikilig sa "Helicopter Husband" na si Dr. Lorenzo."You're thirty-four weeks pregnant, baby. Baka biglang pumutok ang panubigan mo rito sa hallway," seryosong sagot ni Gabriel, ang madilim nitong mga mata ay nagbabantay sa bawat galaw niya. "Sabi ko naman sa'yo, mag-maternity leave ka
Last Updated : 2026-09-10 Read more