Lumipas ang tatlong buwan. Kung akala ni Mikaela ay kilala na niya nang lubusan ang asawa, nagkamali siya. Dahil simula nang malaman nilang magkaka-baby na sila, ang dating kinatatakutan at mayabang na Dr. Gabriel Lorenzo ay tuluyang naging pinaka-overprotective at praning na asawa sa buong kasaysayan ng ospital."Gab, para namang awa mo na, akin na 'yang chart ko," naiiritang pakiusap ni Mikaela habang nakasunod sa malalaking hakbang ng asawa sa pasilyo ng OB ward.Huminto si Gabriel at hinarap siya. Nakakunot ang noo nito, hawak nang mahigpit ang tatlong patient charts na dapat sana ay kay Mikaela."Mikaela, sinabi ko na sa'yo, ako na ang magdadala nito hanggang sa nurse's station. Bawal kang magbuhat ng mabigat," seryosong sagot ni Gabriel, tila ba ang hawak nito ay mga semento at hindi manipis na mga folder.Napairap si Mikaela, kahit na lihim siyang kinikilig sa sobrang pag-aalaga nito. "Folder lang 'yan, Gab! Hindi 'yan mabigat! Buntis ako, hindi ako baldado. At tsaka, isa akong
آخر تحديث : 2026-09-10 اقرأ المزيد