Sumapit ang tanghalian. Gaya ng usapan, naghintay si Mikaela sa hospital cafeteria. Nakakuha siya ng maliit na lamesa sa sulok habang hinihintay si Gabriel na bumili ng pagkain nila.Habang nagche-check ng emails sa kaniyang phone, may isang pamilyar na pigura ang tumigil sa tapat ng kaniyang lamesa."Dra. Santos. Is this seat taken?"Nag-angat ng tingin si Mika at nakita si Dr. Anton Perez, isa sa mga sikat na Orthopedic Surgeons ng ospital. Gwapo ito, matipuno, at kilalang playboy. Matagal na itong nagpapahiwatig ng interes kay Mika, pero palagi niya itong iniiwasan dahil puro trabaho lang ang nasa isip niya noon."Ah, actually, may hinihintay ako, Anton," pilit na ngiting sagot ni Mika.Ngumisi si Anton at kaswal na ipinatong ang isang kamay sa sandalan ng upuan sa harap ni Mika, tila walang pakialam sa sinabi niya. Pinasadahan nito ng tingin si Mika."Sayang naman. I was hoping I could finally ask you out for dinner," malagkit ang tingin na sabi ng doktor. "Balita ko kasi, nag-iba
آخر تحديث : 2026-09-08 اقرأ المزيد