Nerisse Villareal’s Point of ViewPagdating namin sa private resort nila, hindi ko maiwasang ilibot ang aking mga mata sa buong paligid. Nasa parking lot pa lang nila kami, pero kahit nag-aagaw na ang dilim, at liwanag, kitang-kita pa rin sa exterior ng kanilang private resort kung ilang milyon ang ginastos nila. Napalunok ako, at natanto kung gaano talaga kayaman ang mga Vieri. Sa pamilya ko, at pamilya nila, sila ang alam kong mas maraming property. Mas matagal na sila sa business world kung ikukumpara sa amin.“May mga staff kayo rito?” tanong ko sa kaniya nang alalayan niya akong makababa ng kaniyang sasakyan.Nilingon niya ako, at isinara ang p***o ng passenger seat. Pumulupot ang mainit, at matigas niyang bisig sa aking baywang.“Yes,” sagot niya, at nagsimulang maglakad. “May headquarters sila rito.”Nahigit ko ang aking hininga sa kaniyang sinabi, at hindi makapaniwala na may mga staff nga sila rito. Though, may kutob naman na ako, dahil malawak nga naman ‘tong private resort
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-20 อ่านเพิ่มเติม