Nerisse Villareal’s Point of View Nakatingin lang ako kay Lucien, habang kinakausap niya ang wedding planner, wedding coordinator, wedding designer, at couturier. Kapag lilingon siya sa akin, naririnig ko ang mga pagtikhim ng mga kausap niya. Hindi ko naman inililihis ang tingin ko kapag ganoon. “Are you okay with that?” malambing na tanong ni Lucien sa akin nang bumaling siya. Magkatabi kami, habang nakikipag-usap siya. ‘Yong kamay niya, nakapatong sa hita ko, at bahagyang hinahaplos ‘yon. Kung minsan ay nagdo-drawing pa siya ng bilog. Tumango ako, at ngumiti nang matamis sa kaniya. “Yes,” sagot ko. “Hindi na talaga poproblemahin ni Ma’am Nerisse ang lahat,” komento ng wedding planner. Doon naman ako natawa, at nilingon ang nagsalita. “Well, ayaw kasi niya akong nai-stress,” nakangiting tugon ko. “Kaya nga thankful ako sa kaniya kasi hindi niya ako hinahayaang mapagod.” Nawala ang kamay ni Lucien sa hita ko, hanggang sa naramdaman ko na lamang na ipinatong niya ‘yon sa aking
Last Updated : 2026-09-08 Read more