“Nagpakasal na kayo?”Sa lakas ng boses ng mama ni Bryan mula sa kabilang linya, napalayo niya nang kaunti ang cellphone sa tainga. Karaniwan itong mahinahon magsalita, kaya sapat na ang biglang pagtaas ng boses nito para malaman niyang gulat na gulat ito sa balita.“Yes, Ma,” sagot niya matapos bahagyang umubo. “Katatapos lang namin magpakasal.”Ilang segundo munang natahimik ang mama niya, na para bang hindi nito alam kung ano ang unang sasabihin. Nang makabawi, sunod-sunod na agad ang sermon. Nakahanda na ang engagement ceremony nila, naabisuhan na ang mga bisita, at hinihintay na lang silang bumalik sa susunod na buwan. Tapos ngayon, saka nila malalaman na nagpakasal na pala silang dalawa nang walang pasabi.Kalmado lang na hinintay ni Bryan na matapos ito bago nagpaliwanag. “Ma, itutuloy pa rin naman natin sa parehong date. Hindi masasayang iyong mga preparations natin. Palitan na lang natin iyong engagement ceremony ng wedding celebration.”“Parang andali lang sabihin yan!” sago
Last Updated : 2026-09-23 Read more