Pagkatapos ng tawag, ilang segundo pang nakatitig si Jillian sa screen ng kanyang cellphone. Nasa call log ang pangalang “Fiancé.”Dumampi ang daliri niya roon, pero hindi niya pinindot.Bago pa siya makapagdesisyon, bumukas ang pinto ng newsroom. Pumasok si Louie, ang Deputy Director ng Daily Sun, at agad na natahimik ang mga reporter na naghahanda ng kanilang gamit.“Lumalala ang sitwasyon sa Luntian, Batangas. Doon ang epicenter ng lindol. May ilang barangay na hindi pa mapasok dahil sa mga gumuhong kalsada at landslide. May aftershocks pa rin, kaya pagdating natin doon, susunod tayo sa local disaster team. Walang lalayo nang mag-isa at walang papasok sa lugar na hindi pa cleared.”Mabilis na tumingin si Louie sa oras. Kalahating oras na lang bago sila umalis.Agad na kumilos ang lahat.Inayos ni Jillian ang kanyang backpack at inilagay doon ang recorder, notebook, power bank at iba pang kailangan niya. Nang kukunin na niya ang cellphone sa mesa, muling napunta ang tingin niya sa p
Last Updated : 2026-09-21 Read more