Share

CHAPTER 172

Author: Bhie Anne
last update publish date: 2026-09-23 07:10:28

“Nagpakasal na kayo?”

Sa lakas ng boses ng mama ni Bryan mula sa kabilang linya, napalayo niya nang kaunti ang cellphone sa tainga. Karaniwan itong mahinahon magsalita, kaya sapat na ang biglang pagtaas ng boses nito para malaman niyang gulat na gulat ito sa balita.

“Yes, Ma,” sagot niya matapos bahagyang umubo. “Katatapos lang namin magpakasal.”

Ilang segundo munang natahimik ang mama niya, na para bang hindi nito alam kung ano ang unang sasabihin. Nang makabawi, sunod-sunod na agad ang sermon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 173

    Isang daang araw matapos ang lindol sa Luntian, Batangas, tumanggap si Jillian, kasama ang dalawa pang reporter mula sa Daily Sun, ng pagkilala bilang ilan sa mga nangungunang mamamahayag dahil sa naging coverage nila sa sakuna.Isa si Jillian sa mga reporter na agad ipinadala sa Luntian matapos ang lindol. Halos isang buwan siyang nagpabalik-balik sa mga evacuation center, ospital at mga komunidad na matinding naapektuhan. Nakarating din siya sa Barangay Mapulo, kung saan naging mas mahirap ang rescue operations dahil sa landslide at sa kondisyon ng mga daan.Kahit natapos na ang pinakamabigat na bahagi ng rescue operations, hindi doon nagtapos ang coverage niya. Ilang beses siyang bumalik sa Luntian habang unti-unting bumabangon ang mga residente. Sinundan niya ang kalagayan ng mga pamilyang pansamantalang naninirahan sa evacuation sites, ang unti-unting pag-alis ng volunteers, ang pagbabalik sa klase ng mga estudyante at ang mga programang inilaan para sa mga batang nawalan ng magu

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 172

    “Nagpakasal na kayo?”Sa lakas ng boses ng mama ni Bryan mula sa kabilang linya, napalayo niya nang kaunti ang cellphone sa tainga. Karaniwan itong mahinahon magsalita, kaya sapat na ang biglang pagtaas ng boses nito para malaman niyang gulat na gulat ito sa balita.“Yes, Ma,” sagot niya matapos bahagyang umubo. “Katatapos lang namin magpakasal.”Ilang segundo munang natahimik ang mama niya, na para bang hindi nito alam kung ano ang unang sasabihin. Nang makabawi, sunod-sunod na agad ang sermon. Nakahanda na ang engagement ceremony nila, naabisuhan na ang mga bisita, at hinihintay na lang silang bumalik sa susunod na buwan. Tapos ngayon, saka nila malalaman na nagpakasal na pala silang dalawa nang walang pasabi.Kalmado lang na hinintay ni Bryan na matapos ito bago nagpaliwanag. “Ma, itutuloy pa rin naman natin sa parehong date. Hindi masasayang iyong mga preparations natin. Palitan na lang natin iyong engagement ceremony ng wedding celebration.”“Parang andali lang sabihin yan!” sago

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 171

    Napaatras si Jillian nang maramdaman ang marahang halik ni Bryan sa benda sa binti niya. “Bryan…” Mahina ang boses niya habang sinusubukang bawiin ang paa, pero hindi agad iyon binitiwan ng lalaki.Nanatiling nakayuko si Bryan sa harap niya, isang kamay ang nakahawak sa bukung-bukong niya. Kanina pa ito tahimik mula nang makita ang sugat niya. Sa labas ng tent, patuloy ang pagdaan ng mga medical staff at rescue workers. May naririnig silang mga yabag at boses, pero hindi iyon pinansin ni Jillian. Mas nakatuon ang pansin niya sa lalaking nasa harap niya.“Huwag ka nang mag-alala. Okay lang talaga ako,” sabi niya, pilit na pinapagaan ang tono. “Hindi naman ito kasinglala noong dati akong nasaktan.”Doon lang tumingala si Bryan. Ilang segundo siya nitong tinitigan bago marahang umiling. “‘Okay lang ako. Gasgas lang. Hindi masakit. Huwag kang mag-alala.’ Alam mo bang halos iyan lagi ang sinasabi mo sa akin?”Natigilan si Jillian. Ngayon lang niya napansin na tama ito. Sa tuwing may nangya

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 170

    “Ano’ng nangyari kay Bryan?”Biglang nag-crackle ang satellite phone bago tuluyang naputol ang linya.Napatitig si Jillian sa telepono. Agad niyang sinubukang tawagan ulit si Noah, pero wala nang signal. Ilang beses pa niyang sinubukan pero puro ingay lang ang naririnig niya.May nangyari po kay Sir Bryan.Iyon lang ang paulit-ulit sa isip niya.Hindi siya mapakali. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari, pero wala siyang ibang magawa kundi hintayin na bumalik ang signal.Halos kalahating oras ang lumipas bago muling tumunog ang satellite phone. Pagkarinig pa lang niya sa boses ni Noah, agad na siyang nagtanong.“Ano’ng nangyari kay Bryan? Nasaan siya?”“Okay po siya, Ma’am Jillian,” mabilis na sagot ni Noah. “Naaksidente po iyong sasakyan nila habang papunta sana riyan. Madulas po ang kalsada dahil sa ulan kaya sumalpok sila sa harang sa gilid. Dinala po siya sa pinakamalapit na ospital para ma-check, pero wala naman daw pong malubhang injury.”Saka lang nakahinga nang maayos si

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 169

    Tatlong araw na mula nang dumating ang Daily Sun team sa Luntian, Batangas.Sa loob ng unang 72 oras matapos ang lindol, halos hindi na alam ni Jillian kung kailan siya huling nakatulog nang maayos. Minsan ay nakakaidlip siya nang ilang minuto sa loob ng sasakyan, minsan naman ay nakasandal lang sa isang kahon ng relief goods habang hinihintay ang susunod na update.Puno ng alikabok ang buhok niya, maputik ang sapatos at ilang beses na rin niyang pinalitan ang damit na nabasa sa ulan. Pero sa tuwing naiisip niyang pagod na siya, may makikita siyang rescue worker na halos hindi na makatayo ngunit patuloy pa ring naghuhukay.At nawawala ang karapatan niyang magreklamo.Sa loob ng tatlong araw, napakarami na niyang nakita.May isang lalaking nakaligtas mula sa gumuhong pabrika. Sugatan na ito at dapat sana'y dadalhin na sa evacuation center nang malaman nitong dalawa sa mga kasama niya ang naiwan sa loob. Bumalik ito kasama ng rescue team.Nailabas ang dalawang katrabaho.Siya ang hindi

  • THE ALOOF BILLIONAIRE'S SWEET OBSESSION   CHAPTER 168

    Pagkatapos ng tawag, ilang segundo pang nakatitig si Jillian sa screen ng kanyang cellphone. Nasa call log ang pangalang “Fiancé.”Dumampi ang daliri niya roon, pero hindi niya pinindot.Bago pa siya makapagdesisyon, bumukas ang pinto ng newsroom. Pumasok si Louie, ang Deputy Director ng Daily Sun, at agad na natahimik ang mga reporter na naghahanda ng kanilang gamit.“Lumalala ang sitwasyon sa Luntian, Batangas. Doon ang epicenter ng lindol. May ilang barangay na hindi pa mapasok dahil sa mga gumuhong kalsada at landslide. May aftershocks pa rin, kaya pagdating natin doon, susunod tayo sa local disaster team. Walang lalayo nang mag-isa at walang papasok sa lugar na hindi pa cleared.”Mabilis na tumingin si Louie sa oras. Kalahating oras na lang bago sila umalis.Agad na kumilos ang lahat.Inayos ni Jillian ang kanyang backpack at inilagay doon ang recorder, notebook, power bank at iba pang kailangan niya. Nang kukunin na niya ang cellphone sa mesa, muling napunta ang tingin niya sa p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status