Bumigat ang paghinga niya sa sagot ko. Hinaplos niya ang pisngi ko. Napapikit ako nang maramdaman ang marahang pagdampi ng halik niya sa noo ko."Hindi kita pipilitin. But please, just don't push me away again," he whispered painfully.Ipinagdikit niya muli ang mga tungki ng ilong namin. Nanatili kami sa ganoong posisyon. Gaya ng sinabi niya, hindi ko siya itinulak palayo. Sa halip, ipinatong ko ang noo ko sa kaniya."I can't afford to lose you again. H-hindi ko kaya, Ezrha," napapaos niyang wika sa akin."Noong hindi mo sinasagot ang mga tawag at mensahe ko, para akong nawawala sa sarili. Pero noong nakita ko ang huling mensahe mo, pakiramdam ko'y mababaliw ako," mabigat ang paghingang wika niya."K-kaya ka pumunta rito..." Hindi iyon tanong. Isa iyong pahayag."I took my chopper immediately," aniya, na para bang wala lang sa kaniya kung gaano kalayo ang distansiya ng lugar namin.Parang handa niyang liparin ang himpapawid para makarating sa akin... sa anak namin.Napansin ko ang suo
Dernière mise à jour : 2026-10-11 Read More