Iniwanan ako ni Axel ng numero ng mga magulang ko bago umalis.Hindi ko alam kung ipinagpapasalamat ko ba ang paglisan ng presensya niya. Kakaibang kabang nararamdaman ko kapag nandito siya. Pero kapag wala siya, wala akong maramdaman kung hindi pangungulila.Napahilamos ako ng mukha at ibinagsak ang sarili sa kama. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.Imbes na ubusin ang oras ko sa pag-iisip tungkol sa kaniya, naisipan kong tawagan ang mga magulang ko.How selfish am I to forget them?Tahip-tahip ang kaba ko nang ilagay ko sa tainga ko ang cellphone na nagri-ring. My heart starts beating abnormally. Gosh, I miss my family."H-hello, Axel? Kumusta si Ezrha, busy pa rin ba siya hanggang ngayon?" Napapikit ako nang marinig ang boses ni Mama. Kaagad na nangilid ang luha ko."M-ma... ako po ito, Ezrha," wika ko sa kabilang linya. Pinipigilan kong huwag manginig ang boses."E-Ezrha? Naku, anak. Ikaw ba iyan? Aba'y nami-miss namin marinig ang boses mo. Si Axel lang palaging kumakausap sa amin
Last Updated : 2026-10-01 Read more