LOGINLumabas ako ng bahay habang hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Rafaella sa akin.Pinaglalaruan ba ako ni Axel?Napadako ang tingin ko kay Axel na ngayon ay nagsisibak ng kahoy. Napalingon ako sa mga kapitbahay naming halos humaba na ang mga leeg sa kakasilip."Nagkabalikan na pala sila ni Ezrha?""Nagkaayos na nga. Hindi lang iyan, may anak na rin sila!""Grabe! Akala ko ba hindi pa iyan bumubukaka? May anak na pala!""Hoy! Ang bibig mo! Baka marinig ka ni Ezrha!""Eh, totoo naman! Tinago pa nga sa atin ang pagbubuntis niya!""Hindi kaya may kasunod na agad iyan? Tingnan mo naman ang asawa niya. Pangarap ng lahat!"Napailing ako habang pinakikinggan ang walang katapusang usapan ng mga ito. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o magagalit sa mga naririnig ko.Pero bago pa man ako makapagsalita, tila may kung anong alaala ang biglang sumagi sa isip ko.Parang nakita ko na ang eksenang ito.Parang naranasan ko na rin ang ganitong tagpo.I could almost remember the exact same scen
Ano'ng tungkol sa kanila ni Mario?Napalingon ako kay Axel na ngayon ay tahimik na hawak ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa. Hindi kami patungo sa kabilang bayan kundi pauwi sa bahay."B-bakit tayo uuwi?" tanong ko kay Axel matapos ang ilang sandaling katahimikan."Alam kong pagod ka na kaya uuwi na lang tayo," simpleng sagot niya sa akin."Paano iyong pupuntahan natin?"Nagkibit-balikat siya. "Maraming tao roon," aniya habang hindi makatingin sa akin nang diretso."A-ano nga pala ang ibig sabihin ni Alex tungkol kay Mario?" hindi ko mapigilang tanungin siya."I'll tell you... kapag sinabi mo rin sa akin kung bakit ka umiinom ng gamot," tugon niya sa akin na ikinasimangot ko.Hindi talaga niya ako tatantanan. Wala talaga siyang balak na magpatalo."T-tatanungin ko na lang pala si Mario," wika ko.Biglang humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Ngunit batid kong sapat na puwersa lamang ang ginamit niya upang hindi ako masaktan."Ezrha, I want to know everything. It hurts me to k
Ilang beses ba dapat magmahal sa isang tao? Kasi ako, hindi ko na mabilang ang pagmamahal ko kay Axel.Even if he's near or far. Kahit itulak ko pa siya palayo sa akin. Hindi ko alam kung tadhana ba ang nagpapabalik sa amin o kami rin mismo.Kami rin mismo ang pumipiling bumalik sa isa't isa.Dalawang singsing na ang nasayang. Ilang taon na rin ang sinayang namin na dapat ay magkasama kami. Buo kaming magpamilya. Lumaki si Lexie na may kilalang ama.Ngunit pinangunahan ako ng takot ko. Naduwag ako. No matter how much I love him, it scares me. Nakakatakot siyang mahalin. Hindi dahil sa kaniya, kung hindi dahil sa mga taong nasa paligid niya."You're not wearing any ring..." Napatingin ako sa kamay kong hawak niya."You can't get over with me," bulong ni Axel at hinalikan ang likod ng palad ko. "Mahal mo pa rin ako, Ezrha," paos na dugtong pa niya.Hindi ako nakapagsalita. Dinala niya ang kamay ko sa pisngi niya. Mapupungay ang mga mata niyang nakatitig sa akin.Napadaing ako nang patak
"A-ah, Mario... aalis na pala kami. May pupuntahan pa kami," paalam ko kay Mario. "R-really? I'll wait here then. Ano'ng oras kayo uuwi?" tanong ni Mario. Ni hindi na nito tinanong kung saan kami pupunta ni Axel. "Gagabihin kami," si Axel na mismo ang sumagot no'n. Naikagat ko ang ibabang labi ko. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng awra ng paligid. Napalingon ako kay Mario. Nagulat ako nang bigla niya akong dinampian ng halik sa pisngi. Natigilan ako bigla. "Ako na ang bahala rito. Take care, okay?" mahinang wika ni Mario sa akin. Wala sa sariling napatango na lamang ako. "I'll take care of her," biglang singit ni Axel. Napalingon ako sa kaniya na ngayon ay madilim na ang mga matang nakatingin sa amin. "Halika na, Ezrha," aniya at biglang nauna nang maglakad sa akin. "S-sige na, Mario. A-aalis na ako," paalam ko sa kaniya. Hindi ko na hinintay pa ang tugon niya at bigla na lamang tinalikuran siya. Mabilis kong hinabol si Axel. Hindi ko alam kung bakit ganit
Natigilan ako habang nakatingin kay Mario. Hindi pa ako tuluyang nakakabawi sa pagkagulat nang bigla siyang lumapit sa akin. He suddenly leaned closer and kissed my cheek.Napalunok ako. Napaawang ang labi ko sa gulat."I'm sorry po. Hindi na ako kumatok. Bukas naman na po kasi ang pinto ninyo," nakangiting paliwanag ni Mario sa pamilya ko."M-Mario, ikaw pala! Ang tagal ka naming hindi nakita, ah," bati ni Mama nang makabawi."K-Kuya Mario, puwede po pa-picture?" aliw na tanong ni Rafaella.Mabilis niyang inubos ang pagkain sa bibig, kinuha ang cellphone sa bulsa niya, at lumapit kay Mario."Sure," natatawang sagot nito sa reaksiyon ng kapatid ko.Pinanood ko si Rafaella na mangha-mangha at aliw na aliw kay Mario. Nang magtama ang aming mga paningin, napakindat siya sa akin."U-uh... Mario, hindi ka nagsabi na pupunta ka rito, ah," sabi ko sa kaniya."Oo nga po, Tito Mario. We miss you!" singit naman ni Lexie."Dahil na-miss ko kayong mag-ina. And I just want to surprise you."Bumaba
Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko mula sa bintana.Kinapkap ko ang kama sa tabi ko. Tuluyan akong napadilat nang mapagtantong wala na si Lexie roon.Mabilis akong napabangon at inayos ang sarili ko.Nasaan na ang anak ko?Umuwi na ba si Axel kagabi noong nakatulog ako?Napatingin ako sa bakanteng bahagi ng kama bago napabuntong-hininga.Of course, baka inuwi na niya si Alexa. Tumawag pa naman iyon sa kaniya kagabi.Napailing ako.I shouldn't be affected.Wala naman akong karapatang magtanong kung saan siya nagpunta o kung sino ang kasama niya. Hindi na kami katulad ng dati. Hindi ko na rin dapat pakialaman ang mga ginagawa niya.Pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya kagabi, hindi ko maiwasang muling maguluhan.Lalo na kapag naiisip ko ang tattoo na nakita ko sa gilid ng tiyan niya.That tattoo.Hindi ko alam kung ilang beses ko nang sinubukang unawain kung bakit niya iyon ipinagawa. Hindi ko rin maalis sa isip ko ang sinabi niyang, "Because I didn't wan







