"Bruha ka, ano iyon?" kinikilig na tanong ni Aling Roseta.Nagpaalam si Axel na lumabas, kaya naiwan kami rito ni Aling Roseta. Napangiwi ako nang bigla niya akong kurutin sa hita."Aray ko naman, Aling Roseta," reklamo ko sa kaniya."Ikaw, ha. Malandi ka pala talagang bata ka," ngisi pa ni Aling Roseta."Eh, hindi naman po," nakasimangot na wika ko sabay ipit ng buhok kong humaharang sa mukha ko."Sus." Napairap si Aling Roseta.Ngunit kaagad na nawala ang ngisi ni Aling Roseta. Tinitigan niya akong mabuti. Agad siyang tumabi sa akin. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.Iniangat niya ang kamay niya at biglang hinaplos ang buhok ko. Bigla kong naalala kung paano ako hinila ni Ma'am Sandra noon. Pero habang patuloy ang paghaplos ni Aling Roseta roon, unti-unting nawawala ang sakit na dulot niyon.Napangiti nang malungkot si Aling Roseta."Pasensya ka na, anak. Hindi kita maipaglaban. Pareho lang tayong katulong. Katulad mo, natatakot din ako. Akala ko kaya kitang ipaglaban per
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-09 อ่านเพิ่มเติม