Sinubukan kong makihalubilo sa mga tao. Iba-iba ang nakakausap ko. Mayroong artista, modelo, investor, at mga makapangyarihang tao. "I can hire you as a model. Ang ganda mo. You look fabulous in your dress. Maganda ang pangangatawan mo at ang perpekto ng mukha mo," puna ng baklang lumapit sa akin. Napangiti ako. "S-salamat. Pero mas gusto ko kasing mag-focus sa pagguhit. Doon ako mas passionate, eh." "Ganoon ba? Basta, sabihin mo lang sa akin kung nagbago ang isip mo. You can reach out to me anytime. O hindi kaya ay sabihan mo lang iyong boyfriend mong artista na si Mario. Kaya pala hindi open iyon sa love team dahil non-showbiz pala ang tipo niya," kilig na kilig na wika ng bakla. Nagulat ako. Sandali akong hindi nakapagsalita. "N-nagkakamali po kayo," pagtanggi ko pa. "Sus, okay lang. Hindi ko naman sasabihin. Baka ma-bash ka pa ng mga fans niyang patay na patay sa kaniya," tawa pa ng bakla. Bigla akong napalagok ng alak sa sinabi nito. Hindi ko alam kung nakailang lagok na
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-27 อ่านเพิ่มเติม