Kinaumagahan, nagising ako na may ngiti sa mga labi. Napapikit ako sa sarap ng pakiramdam sa lugar namin. Ito ang pinakapinapangulila ko sa lahat, ang kakaibang simoy ng hangin dito at atmosphere sa paligid. Subdivision kasi ang bahay nina Axel. Tahimik doon at walang ingay na maririnig. Hindi gaya rito sa lugar namin. Sari-saring mga ingay ang maririnig. Huni ng mga ibon, tilaok ng manok, at boses ng mga taong dumadaan sa bahay namin. People here are friendly. Dito, normal lang na batiin ka ng kapitbahay kahit hindi kayo gaanong magkakilala. Kapag may bagong mukha sa lugar, agad iyong napapansin ng lahat. Kapag may problema ang isang pamilya, parang buong barangay ang handang tumulong.Before I went out, I took a bath. Nang makalabas, hinanap ko agad si Axel, ngunit wala na siya roon sa sala. Hinanap ko siya sa loob ng bahay pero hindi ko siya makita. Pati ang pamilya ko ay wala rin. Nasaan na sila?Nakarinig ako ng ingay sa labas. Parang may pumuputol o naghahati ng kahoy.Nanguno
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-28 อ่านเพิ่มเติม