"Nagseselos ka ba?" nakangiting tanong ko kay Axel. He didn't respond. He just clenched his jaw and suddenly looked away. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Hinaplos ko ang kamay niyang nakahawak sa manibela. Ramdam kong naapektuhan siya roon dahilan para napasulyap siya sa akin sandali, at ibalik ang mga mata sa daanan. "Axel, he's just my childhood best friend, okay? Wala kang dapat naipag-alala," pangungumbinsi ko pa sa kaniya. Alam ko s pakiramdam na nagdududa ka. Dahil ako mismo, sa mga babae niya noon, ganoon din ako sa kaniya. "You didn't even confirm that I am your boyfriend. Kahit ganoon na lang sana," mapait na wika niya bigla. Napangisi ako. "Ipinakilala naman kita sa kaniya. At saka, maiintindihan niya rin naman iyon kasi magkasama tayo. Hindi ko naman itinanggi noong binanggit niyang may kasintahan ako," paliwanag ko pa sa kaniya. "Nagbibitbit ako ng mga paperbag. Baka isipin niyang chaperone mo lang ako kanina," wika pa niya na masamanpa rin talaga ang loob.
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-09-16 อ่านเพิ่มเติม