Katherine Habang nag-uusap sina Alexander at Cathy ay inabala ko ang aking sarili sa kusina kasama ang mga kasamahan ko sa bahay. "Naku, ma'am, ang suwerte niyo naman po sa buhay niyo." Narinig kong komento sa akin ng isa sa mga kasama ko sa bahay. Nilingon ko siya. Nakita kong siniko siya ng isang babae. Mukhang pinapatigil siya. Nagtaas ako ng kilay; hindi ko mapigilang pumintig ang aking tenga doon. "Bakit naman?" "Kasi po, ang guwapo ng ama ng anak ninyo, tapos may fiancée pa kayo na sobrang guwapo at hot, kaya sobrang suwerte niyo po." Nakangiti niyang sagot, pero nakikita ko sa kanyang mga mata ang judgement na pinapakita niya sa akin, and I couldn't help but grit my teeth, but of course I just have to hold myself. "Baka naman po, ma'am, mamahagi ka," pinalo siya ng isang matandang babae. Nakataas pa rin ang kilay, saka bahagyang tumawa nang sarkastiko
最終更新日 : 2026-10-16 続きを読む