POV: Althea "Thea" Hernandez"Diyos ko, Manang Rosa, sigurado po ba kayong tama 'tong lalagyan ng mantika?!"Nakatayo ako sa gitna ng ultra-modern, state-of-the-art kitchen ng Salzuelo Mansion, hawak ang isang napakabigat na cast-iron pan. Naka-apron ako sa ibabaw ng sexy designer dress na pilit ipinasuot sa akin para magmukhang "Ariana," pero ang totoo, mukha akong kawawang bata na sumusubok magluto sa isang spaceship. Ang daming touchscreens, induction buttons, at mga sensor na hindi ko man lang maintindihan!"Naku, Ma'am Ariana....este, Ma'am! Huwag niyo na po kasing pilitin," bakas ang pag-aalala sa mukha ni Yaya Fe habang nakatingin sa akin. "Magagalit si Sir Alfredo kapag nalaman niyang pumasok kayo sa kusina. Baka sibakin pa kami sa trabaho!""Hindi 'to pwede, Yaya!" giit ko habang pinupunasan ang pawis sa noo ko gamit ang braso. "Kagabi, naging katawa-tawa ako sa harap niya. Kung gusto kong manatiling ligtas ang pamilya ko at hindi niya madiskubreng peke ako, kailangan kong p
최신 업데이트 : 2026-09-14 더 보기