POV: Althea "Thea" HernandezNakahiga kami ni Alfredo sa malaking wooden deck ng villa, nakabalot sa isang dambuhalang silk blanket habang nakatitig sa sunrise sa gitna ng dagat.Ang ulo ko ay nakatongco sa malapad at matigas niyang dibdib. Ang kamay niya ay walang patid na humahaplos sa hubad kong balikat, nag-iiwan ng malambot na halik sa buhok ko paminsan-minsan. Napakatahimik ng mundo. Napakasaya.Pero sa gitna ng napakagandang umagang ito, biglang bumalik ang mabigat na batong nagpapadilim sa puso ko.Naalala ko ang sinabi niya kagabi tungkol sa tatay niya kung paano nito niloko ang nanay niya at kung paano niya kinamuhian ang kasinungalingan at pagtataksil. Naalala ko na hanggang ngayon, nakatala pa rin sa mga pampublikong papeles na siya ay kasal kay 'Ariana'."Alfredo..." mahina kong boses."Hmm?" tugon niya, hindi iminumulat ang mga mata habang dinarama ang hininga ko.Umupo ako nang maayos, pilit na hinila ang blanket para takpan ang dibdib ko. Tinitigan ko ang guwapo niyang
최신 업데이트 : 2026-09-23 더 보기