POV: Althea "Thea" Hernandez"Step 1: Bite your lower lip, arch your back, and give him the 'I'm going to eat you alive' look."Nakatitig ako sa screen ng laptop habang pinapanood ang isang tutorial sa YouTube na may pamagat na: How to Be a Bad, Seductive Bitch in 5 Easy Steps.Nasa kwarto ako, naka-lock ang pinto. Dahil sa sinabi ni Ariana kagabi, nag-panic ako. Naisip ko, baka kaya halatang-halata na hindi ako si Ariana kasi sobrang manang ko! Si Ariana, sexy, liberated, at mapang-akit. Kaya kailangan kong mag-adjust!Nagsuot ako ng isang kulay pulang silk nightgown na napakanipis na halos kita na ang buong likod ko at naglagay ng sobrang kapal na dark red lipstick na mukha akong kagat ng bubuyog.Narinig kong bumukas ang pinto ng master suite. Dumating na si Alfredo!"Diyos ko, eto na... breath in, breath out. Kaya mo 'to, Thea... este, Ariana!"Lumabas ako mula sa walk-in closet habang nakataas ang isang kilay at sinubukang maglakad nang pabulos (na parang runaway model), pero dah
최신 업데이트 : 2026-09-16 더 보기